Chapter 4

1089 Words
Useless pala ang pinunta ko dito sa Singapore. Akala ko lahat importante 'yun pala hindi! Pinagsisihan ko kung bakit pa ako pumayag na makipag-meeting sa kanila. Wala palang kwenta! Ano akala niya ganu'n na lang 'yun kadali? Matapos niyang sabihin na wag akong panagutan, ngayon may gana pa siyang kunin ang mga anak ko? Damn you! Sendrix damn you! Wala kang makukuha sa'kin na kahit na ano. "Ma'am nandito na po tayo." Nabalik ako sa ulirat dahil sa boses ng driver. Bumalik ako ng Pilipinas nang hindi man lang pinaalam sa mga anak ko, I want to surprise them. Na miss ko na sila, at kaya ako bumalik para bantayan ang anak ko mula sa ama nila. I mouthed "thank you" after lumabas nang sasakyan. Hilang-hila ko ang maleta ko papasok ng mansyon namin. Nagtataka pa nga ako, bakit ang daming mga mamahalin na sasakyang nakaparada sa garahe namin, siguro may bisita si Mommy. Halos businessman siguro ang nandito. Wala naman kasi akong balita na may dadalaw ngayon na unexpected na bisita right? "Nako iho pag pasensyahan mo na 'yang si Sander, ganyan talaga ang ugali niyan manang-mana sa kaniyang ama siguro" rinig kong lintanya ni Mommy sa kanyang kausap. Napahinto ako sandali at nagtaka ulit. Sino naman kaya ang kausap ni Mommy? "Ah I see." natatawang tugon ng lalaki. Pumasok na ako ng pinto, nakita ko sila Mommy at 'yung kambal ko na kausap iyong lalaki na nasa harapan nila. Tumawa pa nga si Mommy kaya lang napahinto lang iyon ng napako 'yung tingin niya sa'kin. Tila ba hindi niya inaasahan na darating ako, well hindi ko naman sinabi. "Anak napa aga yata ang dating mo?" ngumiti ako kay Mommy tapos nilapitan ko s'ya para halikan ang pisnge niya. "Mommy!" sigaw ng dalawa kong anak. Hinagkan nila ako tapos pinaulanan ng halik ang mukha ko. Kaya ganu'n rin ang ginawa ko. Hinalikan ko rin ang buong tungki ng mukha nila, tawang-tawa lang si Mommy habang pinagmamasdan kami, ramdam ko rin 'yung matalim na titig sa amin. Hindi ako magkakamali sa bisita iyon ni Mommy nanggaling. "I missed you so much Mom," maligayang saad ni Sandra. "I missed you too princess." naka ngiting kong sagot tapos inakay ko silang dalawa na umupo sa sofa. "Anak may bisita pala tayo," Ah. Tumango lang ako kay Mommy 'saka humarap sa lalaking kinausap ni Mommy. Nang mag tama ang mata namin, parang biglang gumuho ang mundo ko, literal talaga na gumuho, hindi ako gumalaw sa kinaroroonan ko. Nag smirk pa s'ya tapos pinagsiklop niya 'yung daliri niya. Anong ginagawa ng gagong 'yan dito?! Sinundan niya ba ako? "Nag kita tayo ulit Miss Alexandra." "Both of you should talk." Hindi ako sumagot. Nanatiling tikom ang bibig ko. Ayokong idamay ang anak ko sa problema namin, away namin 'to kaya amin-amin lang 'to. Gusto ko na talaga siyang sigawan na anong ginagawa niya dito, pero hindi ko ginawa, pilit kong kinalma ang sarili ko. Pangisi-ngisi pa kasi s'ya, 'yung tipong nang-iinis. "Aalis muna ako." "That's a good idea tita." TITA?! Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya? Kung maka TITA s'ya sa Mommy ko akala niya close sila? Paano nga ba nagkakilala ang dalawang 'to? Paano niya rin nalaman na dito ako nakatira? Heller! Alex MONTERA KA at nag-iisa lang ang mansyong Montera dito sa Pilipinas. Nang makaalis na si Mommy, nilapag ko si Sandra at Sander sa ibaba. Sumenyas ako sa kanila na umakyat muna, kaagad naman silang sumunod. "We need to talk." "Wala na tayong dapat pag-usapan pa Sendrix. Malinaw na 'yung usapan natin, sumangayon ka kaya wala ng problema!" "Alex." "You chose your own self Sendrix instead, at isa pa ikakasal kana ano pa ba ang kailangan mo?! Nasayo na ang lahat, you're a billionaire man. Sana naman wag mo na kaming pakialaman. Gumawa ka ng sarili mong anak, du'n sa asawa mo." Nakita ko ang kamao niya. Unti-unti itong nanigas na tila gusto niya nang manakit ng tao pero hindi ako napatinag, nilabanan ko 'yung mga matalim niyang mata na para bang anytime matutunaw ka na lang. "Wala sa akin ang lahat Alex, I want my kids back!" "You asshole shut the fvck up! Hindi mo sila anak at kahit kailan man hindi ka nila magiging ama!" Mabilis pa sa alas kwatro niya akong hinila at sinandal niya ako sa pader ng bahay namin, tumama 'yung likod ko sa matigas na semento. Medyo kumirot 'yon pero binalewala ko na lang. Napaka niya talaga! "Don't try my patience woman." "Why? Are you fvcking guilty for what you did?!" "Wala kang karapatan na ilayo sa'kin ang mga bata!" Tumawa ako ng napakalakas. "I have the rights mister. Remember noong sinabi ko na naayos ko na ang lahat? Kasali na 'yun du'n ang karapatan mo sa bata. Matagal kong plinano ang lahat Sendrix, Nanigurado ako kaya habang maaga pa inayos ko lahat. At naging maayos naman ang lahat, nag wagi ako na kuhanan ka ng karapatan sa sarili mong anak. Wala ka namang pakialam." Mabilis kong kinabig ang kamay niya na nasa balikat ko, lumingon ako sa mga mata niya. Tila hindi makapaniwala ang kanyang reaction, nanatili lang siyang nakatulala sa pader. Kung sana noon pa, pinagutan niya sana ako para hindi na sana dumating sa ganito, naging komplikado na ang lahat. "You may leave, and please don't show your face again. Wag ka ng makipagkita sa anak ko, ayokong gumaan ang loob nila sa'yo." Matapos kong sabihin 'yun, tinalikuran ko na s'ya, binalikan ko 'yung maleta na nasa sofa. Kinuha ko na 'yun para iligpit na, masyado na kasi akong pagod. Wala na ako sa tamang pag-iisip, minsan nakakalimutan ko nang magpahinga at kumain. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko ang boses ni Sendrix na sinisigaw ang pangalan ko. "ALEXANDRA!" "Don't you ever do this to me! Alam kong mali 'yung ginawa ko! I made a mistake but pinagsisihan ko na 'yun! Forgive me and please wag mong ilayo sa'kin ang anak ko." "Ngayon tinanggap mo na anak mo na sila? Such a bastard!" "I'm so disappointed Sendrix. Sorry but not sorry. Sorry dahil nilayo ko 'yung anak mo pero not sorry dahil alam kong 'yun ang tama." "No! Lalaban ako sa korte! I have a lots of money Alex kaya ko kayong patumbahin sa isang pitik lang. I'm a billionaire kung alam mo lang. If Sendrix wants? He gets. I have my words Miss Montera, don't play with me!" "W-WHAT?" "I'M SENDRIX ROSWELL. THE BILLIONAIRE FATHER OF THE TWINS." This time... Natahimik ako.... What the fvck was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD