Zoey's PoV: "So that's it, class. Remember to study what we have learned for the past few days. May graded recitation tayo sa susunod nating meeting." Nakangiti kong saad. I bit my lips to prevent myself from laughing. 'Yung itsura kasi nila, parang mga nalugi. Hindi naman halatang hate nila ang graded recitation diba? Aish. Ito pa naman ang isa sa mga activity na gusto kong gawin. I faked a cough. "Don't worry, madali lang naman 'yung mga itatanong ko. At for sure, masasagot nyo 'yun." As much as possible, gusto kong makapasa ang mga students ko. Parang biglang nagliwanag sa tuwa ang kanilang mga mukha. "Thank you, Ma'am Ganda." Che! Binobola lang naman ako ng mga 'to. Pero on the other side, maganda naman talaga ako. "So kung wala na kayong tanong, pupwede na siguro akong umalis.

