Nakasakay na si Kevin sa kanilang private helicopter upang ihatid siya sa Batangas. Kakarating niya lang galing sa Taiwan. Napilitan kasi siyang magtungo roon upang personal na ayusin ang naging problema. Maliit lang naman 'yun pero mas ok na rin 'yun dahil kinuha niya rin ang pagkakataon na 'yun upang mas alamin ang tunay na nararamdaman. Sa loob ng tatlong araw na hindi niya nakita si Ada ay talaga sabik siyang masilayan ito. Sa loob rin ng tatlong araw na 'yun ay madalas silang mag-usap. Kwentuhan, kumustahan at kung ano-ano pa. Hindi niya sinabi na ngayon ang dating niya dahil gusto niyang sopresahin ang dalaga. Dapat nga sa mansion siya didiretso pero hindi na talaga siya makapaghintay na bukas pa makita ang dalaga. Naalala niya pa ang usapan nila ng mommy niya na balewala na raw a

