Masakit ang ulo ni Kevin pagkamulat ng mga mata. Dahan-dahan pa siyang bumangon at napahawak sa ulo niya. Tila may sampung martilyo ang pumupokpok sa kanyang ulo. Ano ba nangyari? Tanong niya sa sarili. Nanlaki ang mga mata niya ng mapatingin sa katawan na walang damit. Mabilis niyang sinilip ang ilalim at mas lalong nanlaki ang mga mata ng makitang wala rin siyang kahit na anong saplot. Wala, hubod' hubad siya. Napatingin siya sa katabi upang isipin kung sino ang maaring nakaniig niya. Natigilan siya ng makita ang pulang marka. Katunayan na birhen ang babaeng ginalaw niya at never pa siya gumalaw ng birhen! Sino ang.. Natigilan siya ng biglang may mga ala-ala na pumasok sa kanyang isipan mula sa nangyari kagabi. Bigla niyang nasabunutan ang sarili habang malakas na nagmumura, "f**k

