BMS 2

2233 Words
Hindi mapigilan mapangiti ni Ada habang palabas ng opisina ng kanilang ceo. Narinig niya pa kasi ang malutong na mura nito bago niya tuluyan naisara ang pintuan. Natatawa talaga siya dahil hindi niya mapigilan ang kapilyahan. Pinipilit naman niya kaso wala, natatalo siya. Nawala ang ngiti niya ng makitang nakatayo ang secretary ng ceo sa harap ng lamesa nito at nakahalukipkip at mukhang siya ang hinihintay. "Ada Adamma Musa! Huwag mong sabihin pati sa Ceo natin umandar iyang kamanyakan mo!" Napangiwi siya dahil sa buong pangalan ang itinawag nito sa kanya. "Sinubukan ko naman, eh," sabi niya at huminto sa harap nito. Yonna Del Pilar is her best friend since they were kids. Ito rin ang nagsabi sa kanya na hiring ang hotel kaya nakapag-apply siya. Dalawang taon na rin itong secretarya dito. "Kapag ikaw nawalan ng trabaho, bahala ka." Nagdadabog itong bumalik sa swivel chair at humarap sa computer nito. Napabuga muna siya ng hangin bago ito sinundan at umupo sa armrest at inakbayan ito. "Huwag ka na magalit. Sige ka 'yung wrinkles mo baka dumami," biro niya rito dahil masyado itong maselan sa mukha nito. "Talagang dadami dahil nastress sayo ang beauty ko," ganti naman nito na ikinatawa niya. "Sige baba na ako bago pa ako liparin ng hangin sa lakas." Mabilis siyang tumalima ng takbo pababa sa ground floor. Napakagwapo talaga ng ceo nila. Mas gwapo pala ito sa personal kesa sa pictures. Napangiti na lang siya ng maalala ang iritado nitong mukha kanina. Bakit parang mas gwapo ito kapag nakabusangot. Napahagikhik tuloy siya na dahilan para pagtinginan siya ng mga kasabayan sa elevator. Nagpeace sign naman siya at bahagyang pinalo ang noo dahil sa kung ano-ano pumapasok sa isipan niya. Pagkarating niya sa ground floor ay nagsimula na rin siyang tumulong sa pagbati sa mga dumarating na guests at sinisigurado niya na lahat ay nasa ayos. Kanina nga nakipagtalo pa siya dahil may isang guest ang nambastos sa isa nilang house keeper. Mabuti na lang at gumana rito ang kanyang magic teknic kaya ayun tiklop! Gusto naman palang maglaro ng apoy hindi pa nagdala ng kasama. Akala yata ay nag-oofer sila ng special menu kung saan mga housekeeper ang putahe. Minsan talaga sarap supalpalin ang mga manyak na guest pero hindi pwede dahil sila ang nagpapasahod sa kanila. "Hey!" "Ay mani!" malakas niyang bigkas ng may pumitik sa kanyang noo. "Anong klaseng mani ba yan? Baka pwede makatikim," sinamaan niya ng tingin ang taong nagsalita. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ito bumulagtag sa kanyang harapan. Mukhang napansin nito ang ipinupukol niyang mabagsik na tingin kaya tumigil ito sa pagtawa at tumayo pa ng maayos. "Sorry na, baka mapatay mo ako sa tingin mo," mahina nitong sabi. "Talagang papatayin kita sa paggulat sa akin. Paano na lang kung may sakit ako sa puso eh di namatay na ako. Sayang naman ang napakaganda kong lahi," pagdradrama niya na ikinasimangot naman ng kaharap. "Ok na sana, eh. Kailangan talaga purihin pa ang sarili," reklamo nito. "Ano ba kailangan mo, James?" Si James ay isa sa mga chef ng hotel. Masarap talaga itong magluto mapapa sana all ka na lang. "Namiss lang kita, ngayon lang kita nakita, napakabusy mo yata?" anito. "Medyo marami lang guest at dumating ang ceo ngayon," aniya. "I heard about that. Kaya kahit kami sa kusina ay sobrang busy dahil baka bigla niya kami pasukan, minsan pa man din nagsurprise visit yun," pahayag nito. "Nakita mo na ba siya sa personal?" "Oo naman sa halos tatlong taon ko na dito. Mas mabait ang kapatid niya si sir Anthony. Dito kaya ginawa ang engagement ni Sir Anthony, ang ganda ng fiance niya kaya hindi na kami magtataka bakit biglaan nagpakasal ang isang kilalang playboy. Pag-ibig nga naman." Kinumpas kumpas pa nito ang kamay na para bang sinasabing isang mahika ang pag-ibig na pwede magpabago sa isang tao. "How about sir Kevin, playboy din ba siya?" wala sa sariling tanong niya. Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang baba at ginalaw ito, left to the right and right to the left. Parang tanga lang! Nang magsawa ito ay sinalubong nito ang kanyang mga mata na tila gusto nitong buksan para makita ang hinahanap. "Huwag mong sabihin interesado ka sa ceo?" nakataas kilay nitong tanong. Tinabig niya ang kamay nito na nakahawak pa rin sa kanyang baba. "Ofcourse not!" mabilis niyang depensa. Mas lalong tumaas ang kilay nito. "You sure?" paninigurado pa nito at inilapit pa ang mukha sa kanyang mukha. Para sa kanya walang halong malisya ang pagkakalapit nilang dalawa. Kahit halos isang buwan pa lang sila magkakilala ay mabilis niya itong nakagaanan ng loob. "Is this what you are doing in my hotel?" Kapwa silang natigilan ni James ng marinig ang isang baritonong tinig mula sa kanilang likuran. Humiwalay si James sa kanya at lumipat sa kanyang tabi. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtanto kung sino ang nagmamay- ari ng boses na umistorbo esteh nanggulat sa kanila. "Did I disturb you two?" he sarcastically asked while giving them a sharp look. "Good evening, Sir Kevin," mabilis na bati rito ni James. Habang siya ay nanatiling nakatingin sa napakagwapong nilalang na nasilayan niya sa halos twenty seven years niyang humihinga sa mundo. Kahit na magkasalubong ang mga kilay nito ay hindi nabawasan ang angking kagwapuhan. Sarap ikulong sa kwarto at paligayahin esteh pagmasdan lang naman! "Miss Musa? I know I'm handsome but stop staring at me!" Nanlaki bigla ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. Kapal ng mukha! Pero shige na nga gwapo naman talaga. Pagbigyan! "You both holding a higher position here and you are flirting here? Is that a right manners?" pang-iinsulto nito na ikinasakit ng pandinig niya kaya kinalimutan muna niya ang kagwapuhan nito. Namaywang siyang humarap rito at tinaasan ito ng kilay, 'yung sobrang taas kasing taas ng Mt.everest! "Mr.Ceo, we are not doing anything wrong? We are also off duty," inis niyang sabi. Naramdaman niya ang pagsiko ni James sa kanya na para bang nagpapahiwatig na manahimik siya. "Because I came! It's not because you are already off duty means you have the right to destroy my hotel image! Ano na lang sasabihin ng mga guest na makakakita sa inyo at ang mga empleyado na iisipin na ok lang pala maglandian dito!" mahaba nitong sermon na ikinalaki ng mga mata niya. Grabe! Saan na nakarating ang isip ng ceo nila. Hindi ko na mahabol sa bilis! "Sir Kevin, pasensya na po hindi na po mauulit. Nagbibiruan lang naman po kami kanina," hingin-paumanhin ni James. "James, you don't need to apologize because we are innocent." Binalingan niya si Mr.ceo na nakapaymewang pa rin. "And to you Mr.ceo let me depend ourselves for your so so big accusation in three wonderful explanation." Lumapit pa siya rito pero nag-iwan ng dalawang hakbang pagitan. She crossed her arms over her chest with chin up. "Tagalog na lang Mr.Ceo, baka ma-nose bleed ako," panimula niya. "Una, nasa pribadong lugar kami na bawal ang guest pumasok. Pangalawa, wala po kaming ginagawa na pwede ikasira ng reputasyon nitong hotel. Pangatlo, ahmmmm. Ahhh." Liningon niya si James para humingi ng saklolo. "Save me!" Kinawayan niya pa ito na lumapit pero ang kumag inirapan lang siya. Pinanlakihan niya ito ng mata bago dahan-dahan ibinalik ang tingin kay Mr.ceo. Napangiwi siya ng makitang nakataas kilay na ito at sobrang seryoso ng mukha. Nang bigla ay may maalala siya at nataas niya pa ang isang kamay na nakaturo ang hintuturo pataas. "Tama, yeah oo yun nga. Ang pangatlo ay dahil sa..sa.... Malisyoso kayong tao!yeah, ang galing ko talaga." Tumatango-tango pa siya. Naramdaman niya ang paghila ni James sa kanya palayo kay Mr.ceo. "Ano ba James, dahan-dahan naman," reklamo niya habang pilit binabawi ang braso mula rito. "Pwede ba, itikom mo ang bunganga mo!" mahina nitong bulong sa kanyang tenga. "Hello," rinig nilang sabi ni Mr.ceo. Paglingon nila sa gawi nito ay may kausap na ito sa cellphone habang ang isang kamay ay nakapamulsa. Napalunok siya ng makita ang talim ng tingin nito sa kanila habang patuloy sa pakikipag-usap. Bakit ang gwapo pa rin! Nasaan ang hustisya! "Ok, I will be there, bye!" Naibaba na nito ang tawag pero matalim pa ring nakatingin sa kanila. "Palalagpasin ko ito sa ngayon. I don't care whatever relationship you have but respect my property if you want to stay here!" sabi nito at tinalikuran na sila. Humawak ang isang kamay niya sa braso ni James habang ang isa ay puwesto na parang gustong suntukin si Mr.ceo na naglalakad na palayo. "James, pigilan mo ako! Baka hindi ako makapagpigil," sabi niya habang nakahawak pa rin ang isang kamay kay James na kunwari ay pinipigilan siyang habulin si Mr.ceo. Pero hindi niya inaasahan ang biglang pagharap nito kaya huling-huli siya sa balak na gawin. Tuluyan na humarap muli ito sa kanila habang siya naman ay ibinaba ang kamao na gusto yatang tumakbo dahil sa matalim na naman nitong mga mata. "Do you want to punch me, Ms.Musa?" matalim nitong tanong. "Hu-huh?. Ah hindi po Mr.ceo. Nangati po kasi ang ulo ko palagay ko may mga kuto na naman ako kaya ito makati talaga." Kinamot niya pa ang kanyang ulo upang ipakitang totoo ang sinasabi. Kumunot naman ang noo ni mr.ceo habang si James ay bahagyang natawa. Hinampas niya tuloy ito gamit ang kamay na nakahawak pa rin rito. "What is kuto?" tanong ni Mr.ceo. "Kuto, you don't know my gulay!" bulalas niya. "Kuto is a small insect that seen in our head they also sip your blood and make your head itching. Nung bata nga ako ang dami kong kuto tapos sabi ni nanay kapag daw hindi ko yun pinatanggal dadalhin daw ako ng mga kuto dun sa palasyo nila at gagawing Reyna. Gusto ko sana kaso ayaw nila nanay at tatay kasi raw sayang daw ang ganda ko kung di ako magpapalahi," mahaba niyang paliwanag na may kasama pang pang-aksyon ng mga kamay. Habang sina Mr.ceo at James ay napatanga na lang sa kanya. Nang makita niya ang reaksyon nito ay mabilis siyang nagpeace sign sabay sabing, "Share.com lang po Mr.ceo." "Are you crazy?" naitanong ni Mr.ceo. "Mr.ceo diba may lakad pa po kayo? Alis na po kayo baka mahuli kayo mukhang importante po." Pag-iiba niya ng usapan dahil mukhang gumana na naman ang pagiging madaldal niyang wala sa lugar. "Tsk!" tanging nasabi nito bago muling silang tinalikuran. "Don't worry Mr.ceo, babantayan ko ang hotel mo," pahabol niya pa rito na ikinalingon muli ni Mr.ceo. Muli siyang napakamot sa ulo. Mukhang meron na naman nga siyang kuto, ah! "Bakit mo naman kailangan bantayan ang hotel ko? Tatakbo ba yan? 'Yung sarili mo ang bantayan mo dahil mukhang nasisiraan ka na ng bait," pasuplado nitong pahayag. "Aba Mr.ceo! Sa panahon ngayon marami ng mga kababalaghang nangyayari. Baka pagbalik mo rito eh iba na nakatayo dito. Baka maisipan maglayas ng hotel mo, ikaw din," nakangiti niya pang sagot rito. Habang si Mr.ceo naman ay mababakasan ng pagkamangha o pagkairita o pagka-aliw sa mga pinagsasabi niya. Naipilig na lang nito ang ulo at walang sabi-sabi tumalikod na habang may ibinubulong. "She's crazy!" "Bye Mr.ceo. Take care, see you when I see you, bye!" malakas niya pang sigaw para marinig nito na palabas na. Nandito kasi sila ngayon sa may likod ng hotel. Restricted area ito kung saan tanging mga empleyado lang ang maaring pumasok. Isa itong pahingahan dahil talaga naman marerelax ka sa ganda ng pagkakagawa nito. Hindi ito kalakihan mga dalawang kwarto siguro ng isang normal room sa hotel. May dalawang parihaba na sofa at apat na single couch na malalambot, dalawang coffee table. Glass wall rin ang nakalibot rito ngunit hindi nakikita sa labas ang nasa loob. Kitang-kita ang ganda ng dagat. Isa ito sa mga favorite place niya dito sa hotel. Nabalik siya sa sarili ng may pumitik sa noo niya. "Aray!" reklamo niya at mabilis na hinawakan ang noo. "Your in other world again," sabi ni James at naglakad na rin palabas. "Hey, James sandali," habol niya rito. Huminto naman ito at humarap sa kanya. "What?" "Ikaw noh! Hindi mo man lang ako pinagtanggol sa lalaking yun! Wala ka bang bayag?" nagtatampo niyang sabi habang si James naman ay napahawak sa kayang alaga na ikinatawa niya. "Shut up, Ada! Saka anong hindi pinagtanggol? Nakikita mo ba yung kausap mo kanina! Ceo natin, Ada! Tapos yang kabaliwan mo pinairal mo!" nakabusangot nitong reklamo. Humawak naman siya sa braso nito. "Pasensya na, huwag ka na magalit." "Alam mo mabuti mo pang gawin ay tawagin lahat ng impakto esteh santong kilala mo kung meron ka man!Ipanalangin mo na may trabaho pa tayo bukas! Bakit kasi pati ako nadamay!" patuloy na panenermon nito. "Tara libre mo ako, nagugutom ako. Doon tayo sa tusok-tusok," aya niya rito na parang hindi ito nanenermon. Binigyan siya nito ng di-makapaniwalang tingin. "Talagang yan pa katakawan mo ang uunahin mo kaysa isipin kung may trabaho pa ba tayo bukas," umpisa na naman nito. Hinila na niya ito palabas. "Alam mo James, bukas pa naman iyon. Kaya bukas natin problemahin ang isipin mo yung ngayon at yun ang aking mga alagang anaconda sa tiyan ko." Hinawakan niya pa ang tiyan niya. "Ewan ko sayo, tatanda ako agad pag ikaw kasama ko!" naiinis nitong saad at binawi ang braso nito bago nagdadabog na naglakad at iniwanan siya. Natatawa na lang siyang sinundan ito dahil alam niyang hindi siya nito matitiis. Isang matagumpay na ngiti ang pinakawalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD