Kinabukasan ay imbes na sa kanyang opisina tumuloy si Ada ay sa opisina ng Ceo siya nagtungo. Hindi para sa Ceo kungdi kay Yonna. Hindi na niya ito naabutan sa silid nito. Mukhang dito dumiretso mula sa kung saan ito nanggaling. Kinakabahan man ay kailangan niya maliwanagan para sa ikatatahimik ng utak niya na nagkabuhol-buhol sa pagdating ni bente. Nabalik siya sa sarili ng marinig ang tunog ng elevator hudyat na nasa tamang tao esteh palapag na siya. Humakbang na siya palabas. Nakita niya si Yonna na nakatayo sa harapan ng lamesa nito habang may inaayos na mga folder. Yonna is a smart woman, brave, kind, and most of all a loving person. Kaya ang hirap para sa kanyang tanggapin na tila nagbago ito sa hindi niya malaman na dahilan. Ganun ba nito kagusto si Kevin. Kung sabagay sabi nga

