It's Kevin birthday today, imbes na masaya siya ay tila pinagbagsakan siya ng langit. Sino ba naman hindi mapapasimangot sa mismong kaarawan niya ay ang asawa ang may request at nanghihingi ng regalo mula sa kanya. And the gift she is asking is unbelievable! "T*ngna mo, Kevin! Bayaran mo talent fee ko! F*ck," reklamo ni Kenneth habang hinuhubad ang suot na sapatos. "Hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag sa kalokohan na ito," sunod na singhal ni Dominic. Napatingin siya sa kambal na himala at tahimik. Naramdaman 'ata ng mga ito ang titig niya kaya bumaling ang tingin ng mga ito sa kanya. "What?" kunot noong tanong ni Samuel. They can identify who is who. Dahil nagpakulay ng buhok si Samuel. Graduate na raw kasi ito kaya pwede na. He put color cherry red highlights on his black hai

