Nakaupo si Ada sa dalampasigan habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mag-usap sila ni Kevin. Simula no'n ay hindi na niya ito nakita. Natigil siya sa paglalaro ng buhangin sa kanang kamay ng may tumabi sa kanya. "Sabi ko na narito ka lang," tinig ni Yonna. Mukhang hinanap na naman siya nito. Naging routine na kasi nito na lagi siyang puntahan pagkatapos ng duty nila. Ang reason nito, natatakot raw na baka ano ang gawin niya. "Saan naman ako pupunta?" tanong niya rito at inihilig ang ulo sa balikat nito. Naramdaman niya ang pagbuntung-hininga nito. "Pwede ko naman siya kausapin, sabihin mo lang," sabi nito. Sinabi niya lahat ng napag-usapan nila ni Kevin kay Yonna. Dahil hindi niya kayang sarilinin ang sakit baka ikabaliw niya. "No, let

