Natawa na lang si Ada habang pinagmamasdan ang papalayong si Kevin. Napahawak siya sa kanyang labi, mabilis lang na halik 'yun pero ang hatid sa kanya ay napakalakas na kuryente. Nakarinig siya ng may tumikhim kaya napalingon siya sa likuran upang mapagtanto na nandoon pala ang pamilya ni Kevin. Kung pwede lang mag-teleport upang mawala sa paningin ng mga ito ay kanina niya pa ginawa. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito. Imposibleng hindi ng mga ito nakita ang paghalik ni Kevin. Baka isipin ng pamilya nito na malandi siya. Hindi ba? Tanong ng isang bahagi ng isip niya. "It's Okey, iha. We know so, relax," pukaw sa kanya ng mommy ni Kevin. "Ah, an-ano po kasi, na-nakita n'yo po ba? Mali po kayo ng iniisip," nauutal niyang sabi. "Halika rito, iha," tawag ng lola ni Kevin sa kanya. Mab

