Dahan-dahan akong naglakad at lumapit sa mesa nila. “Ven, ikaw lang ba ang kukuha sa order nila? Pwede lang din na ako.” offer ni Enah sa akin. “Hindi na kailangan Enah. Ikaw nalang ang magpatuloy sa naiwan natin sa kusina at ako na ang bahala sa mga order nila. Tinawagan kasi namin si boss at okay lang daw na mag stay sila hanggang sa umuwi tayo.” ngumit ako sa kanya at nauna nang maglakad paalis kahit na wala pa siyang naging sagot sa sinabi ko. Nang marating ko ang mesa ng anim, pumikit ako saglit at nagbuntong-hininga. “May gusto ba kayong kainin o iinomin?” tanong ko sa kanila na may malawak na ngiti. “May available ba kayong pizza Ven? Baka kasi wala dahil nga close kayo.” malungkot na wika ni Yang at umakto pa siya na umiiyak. “Everything is actually available. Today is an u

