“I don’t think boss will let you. Nag leave ka na kasi noong isang araw.” nag-aalalang wika ni Enah sa akin. Nabanggit ko kasi sa kanya na gusto kong mag leave ulit baka sa susunod na buwan dahil plano kong maghanap ng ibang trabaho. Gusto kong umalis sa club. Hindi ko naman itatangging malaki ang naitulong ng club sa akin ngunit alam kong bilang isang babae, kahit kaunti man lang, gusto kong mabuhay ng may dignidad. “Ano kaya ang magandang sasabihin ko kay boss para payagan niya ako? May importante kasi akong lakad kaya kailangan ko din na mag file ng leave.” saad ko kay Enah. Umasta siya na parang nag-iisip at nilagay ang mga kamay sa noo niya. Agad siyang pumikit at biglang isinigaw ang pangalan ko. “Mag “emergency leave” ka nalang para wala na talagang magagawa si boss kung hindi a

