“Ano ba ang ipinakain ni Enah sa iyo at patay na patay ka sa kanya?” tanong ko habang naglalakad papunta sa elevator ng palapag niya. Inaya ko siyang kumain sa labas dahil hindi ko gusto ang kumain sa restaurants ng mga hotel. Palagi talaga akong sa labas kumakain. “It’s not about the food that she gave me, it’s about what she did to me.” saad niya ng seryoso sa akin. I just shrugged my shoulders as a way of ending our conversation. Nang makapasok kami sa elevator, napatingin ako kay Hance at malalim ang iniisip niya habang nakayuko ang ulo. Habang nakatitig ako sa kanya, naalala ko kung gaano niya ikinuwento si Enah sa akin noon na parang anak ito ng isang demonyo. Okay, I am not exaggerating here okay? It’s actually true. Hance would always tell me about what happened to him during hi

