“Lavender? May ipapabago ka pa ba?” agad akong napabalik sa reyalidad ng tanongin ako bigla ni Andrew. “Hm?” walang gana kong tanong. “I’m sorry. Can you give us a minute?” sabi niya at lumabas naman ang petite na babae na kausap namin kanina. Nakaupo kaming dalawa sa isang couch at may mga papel na nakakalat sa mesa na nasa harap namin. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Binigyan ako ng tubig ni Andrew at hinintay na mainom ko ito. “Are you okay? You look weak.” saad niya at hinawakan ang noo ko. “I’m sorry kung hindi ako masyadong nakasunod sa usapan. Kailangan ko na muna sigurong kumain para mahimasmasan ako.” “Can you wait if I order food or I’ll buy right now?” “Mag order ka nalang. Dito na lang tayo kumain.” So we’re here at Andrew’s office and the petite girl

