Tahimik kaming dalawa ni Ethan sa loob ng sasakyan. Walang nais na magsalita at kanina ko pa rin nararamdaman na ilang ulit ang pagsulyap niya sa akin. Umiiyak akong sumakay sa kotse kanina pero agad rin akong tumigil dahil hindi mapakali si Ethan habang nagmamaneho. I just saw him, with Enah. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon nila sa isa't-isa pero may hinala na ako. Biglaan ang pagdating ni Enah kanina at deretso ang lapit niya kay Andrew. Ni hindi man lang naabala ang huli sa presensya niya. Hindi nga niya inalis ang pagkakahawak nito sa braso niya. Gaano na sila katagal? Niloloko ba talaga ako ni Andrew? "Ven. . . ." rinig kong tawag niya sa akin. I can't focus right now. Deretso ang tingin ko sa harap at halos wala na akong makita dahil sa mga luha na nagbabadya na namang t

