Zana POV Kagaya ng mga nakalipas na araw, hindi pa rin ako pinababayaan ni Apollo sinisigurado niyang hindi ako magugutom at mapapagod. Pagkatapos niya akong asikasuhin ay nakatutok na siya sa laptop niya. Minsan naman nakikita ko pa siyang kausap si Tallie sa webcam pero tungkol lang ‘yon sa negosyo. Malaki ang inangat ng moonlight A.T mas naging successful pa ‘to dahil kay Tallie at ate Monica. Gusto ko tuloy malaman kong anong nangyari sa kanila ni Tallie noong umalis ako. Gusto kong malaman kung bakit hindi nila itinuloy ang relasyon nilang dalawa. Ang hindi alam ni Apollo, sinabi ko kay Bea ang lahat ng gagawin ko. Dahil siya ang nakagaanan ko ng loob. Ipinaliwanag ko sa ang lahat at hindi siya tumutol sa plano ko. Dahil gusto niya ako para sa kanyang kuya. At gusto niyang bigyan k

