Apollo POV Nagbaka sakali akong makita si Zana. Kaya pumunta ako sa front desk para hilingin na maka-usap ito. Sa halip isang malakas na sampal sa aking pagkatao ang malamang magkasama sila ng Julian na yun sa iisang kwarto. Gusto ko silang sugurin duon at komprontahin si Zana kung bakit niya ako tuluyang ipinagpalit sa lalaking yun pero alam kong wala akong karapatan. Dahil ako ang sumira sa relasyon naming dalawa. Lalag ang balikat akong umalis sa hotel at dumerecho sa condo. Pagkarating ko sa loob ay agad akong kumuha ng alak. Nilunod ko ang aking sarili sa nakakamanhid na epekto ng alak kasabay ang pangingilid na ng aking luha dahil hindi ko pa rin matangap na mahal ko parin si Zana hangang ngayon at umaasa pa rin ako na magkakabalikan kaming dalawa labis ang pagiwas na ginawa ko kay

