Chapter 17: SABRINA "MAY I ask?" Palabas na ako ng sasakyan ni Damon nang bigla siyang magsalita. Finally ay nakarating din kami sa building kung nasaan ang opisina ko. Pakiramdam ko ay ang bagal ng oras. "Yes?" Gusto ko sanang isipin na 'wag na lang, pero bilang sukli na lang sa paghatid niya sa akin dito. Binalingan ko na siya. Nakabaling din siya sa akin habang nakalapag ang dalawang palad niya sa kaniyang hita. "Bakit dito kita hinatid, hindi ba puwedeng sa Pampanga na?" Nagkibit-balikat ako. "I'm here to get everything that I need for my presentation for Mr. Ibarra, at hindi puwedeng i-send lang iyon via email sa akin dahil kailangan ko rin ng physical copy ng brand namin. So, naka-ready na rin ang mga dadalhin kong mga collection namin na ipakikita kay Mr. Ibara," I explaine

