Chapter 15:

1055 Words

Chapter 15: SABRINA HUMAKBANG ako paatras. Naisip kong hintayin na lang siyang makaalis bago bumaba at magpaalam kay Grandmama. Matapos ng nangyari kahapon ay hindi ko pa kayang humarap kay Damon, at ang malala ay kakailanganin ko pang magpanggap sa harap ni Grandmama na walang nangyari. Oo, iyon ang pinakamalala. May oras pa naman ako. Siguro naman at hindi didiskarte ang ibang owner ng brands sa madaling araw? I hope. Patalikod na ako nang... "Sabrina, gising ka pa pala? And why are you dressed up?" Saglit akong napapikit ng mariin at napabuga ng hangin, ngunit nang yumuko ako sa ibaba para tugunan si Grandmama ay nagpilit ako ng ngiti ko. Bumitiw na si Damon sa kamay ni Grandmama at nakatingala na rin sa akin. Saglit na nagsalubong ang mga mata namin pero kaagad ko iyon iniwasan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD