Chapter 22: SABRINA "YOU declined?" gulat na tanong sa akin ni Nichola, at kahit nasa kabilang linya siya at hindi ko nakikita, nai-imagine ko pa rin kung paano manlaki ang mga niya, at alam kong kung kaharap ko siya ngayon ay siguradong tinitingnan niya na ako ngayon nang hindi makapaniwala. Galing lang ako sa opisina. Matapos naming mag-lunch ni Fabian ay bumalik ako sa office at doon kinausap si Crystal tungkol sa nangyari kanina sa presentation proposal ko kay Mr. Ibarra. Doon ko na rin naikuwento sa kaniya ang tungkol sa engagement na biglaan lang na na-announced sa birthday party ni Grandmama. She was invited, pero dahil magiging abala ako ay kinailangan niyang maiwan sa office para sa trabahong maiiwanan ko that week. Sinabi ko na rin kay Crystal na hindi sa party ang unang meet-

