Chapter 2:
SABRINA
“OH MY GOD! Are you okay?” tanong kaagad ni Nichola nang makalapit siya sa kinaroroonan namin. Maingat akong tinulungan ng isa sa mga lalaki para makatayo, habang ang isa naman ay ang lalaking sumalo sa akin ang inalukan ng kamay. Hindi ito ang sumigaw sa akin kanina at nagsabing sasaluhin ako, but I’m grateful na sinalo niya pa rin ako. I don’t know him, but he’s familiar to me. I’m sure I saw him somewhere, in a gossip website, for sure. But I can’t recall his name.
Binalingan ko si Nichola. “I’m fine, don’t worry.”
Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa, as if she’s checking if I’m still complete, bago siya bumaling sa lalaking sumigaw sa akin kanina. The one who supposed to catch me. Huminga akong malalim. Dama ko pa ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba, good thing ay unti-unti na itong kumakalma.
“Ikaw, pinatalon mo pero hindi mo sinalo? Are you crazy?”
Napasapo sa may batok ‘yong lalaki. “Sorry na, akala ko kasi masasalo ko. Sinalo naman ni Damon, e, ‘wag ka nang magalit.”
“Kahit na! Paano kung may nangyaring masama sa pinsan ko?”
Hinawakan ko sa may siko si Nichola at inilingan. “I’m fine,” sabi ko saka bumaling sa lalaking sumalo sa akin. Magkasalubong ang kilay niya habang pinapanood kami. “I’m very thankful for what you did. Thank you.”
Mainam niya akong pinagmasdan bago tumango sa akin. “You are welcome, Ms. Sabrina.” Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Pero bago pa ako makapag-react ay bumaling na siya sa isang lalaking tumulong sa kaniya sa pagtayo kanina.
“Alamin mo kung saan nanggaling ang putok kanina, at hanapin ninyo ‘yong kabayo. By now ay siguradong kalmado na ‘yon.”
“Yes, Sir.” Umalis na ang lalaki para sundin ang inutos ng lalaking nagligtas sa akin.
“Damon, thank you. Come with us to our house, so you can clean up,” imbita ni Nichola. Doon ko lang napansin na nadumihan nga ang damit nito dahil sa pagkakahiga kanina sa lapag.
So, Damon ang pangalan niya? I should introduce myself to him just to show my gratitude.
“It’s okay, Nichola. Malapit lang naman ang penthouse na tinutuluyan ko. Tutuloy na kami doon.”
Tumango lang si Nichola. Nang magbigay ng senyas si Damon ay nagpaalam na ang mga kasama nito. Tatalikod na sana siya nang lumapit ako.
“Wait, I just want to thank you again,” sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa paggitan namin. “I’m Sabrina, Sabrina Royale.”
Tinanggap niya ang kamay ko. Malambot ang balat niya ngunit matigas ang kamay niya. No wonder, halata naman sa katawan niya na nagwo-workout siya. Naka-long sleeve siyang puti at white pants. Kahit sa long sleeve niya ay halata ang maganda niyang pangangatawan.
“Too early for us, but yeah, I’m Damon del Valle. See you at the party, Sabrina.”
Napaawang lang ang labi ko. For some reason ay alam ko kaagad na ang tinutukoy niya ay ang birthday party ni Grandmama.
Pagkabitiw niya sa kamay ko, isang tango lang ay tumalikod na siya sa amin, kasama ang mga kaibigan niya. Ang kulang lang ay iyong inutusan niya na maghanap sa kabayong nakawala.
Hinakbayan ako ni Nichola nang tuluyan na silang nakaalis. “Are you okay? Didn’t hurt?”
Umiling ako. “I’m okay, don’t worry. Mas nag-aalala nga ako kay Damon, mas siguradong nasaktan siya kaysa sa akin.”
“Don’t worry, kita mo naman na ang dami niyang alalay, if ever he felt something bad, someone will take good care of him.”
“Alalay talaga ang term?”
Sabay na kaming naglakad patungo sa kung saan. Base sa tinatahak naming daan ay mukhang papauwi na kami, iyon nga lang ay wala na kaming kabayo. Ewan ko kung nasaan na ‘yong kanina niyang sinasakyan, bakit nawala rin.
“Oo, isa lang naman ang pinsan niya sa mga kasama niya kanina, e, si Nikko. The rest ay puro bodyguard niya na. You know, billionaire’s, hindi puwedeng walang kasamang bodyguard,” kibit-balikat niya.
“Billionaire’s, so kaya invited siya sa birthday ni Grandmama?”
“Yes, he’s one of our business partners.”
“Kaya pala familiar siya sa akin.”
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ako at humarang sa dinadaanan ko. “Familiar lang? Alam mo bang kahit sino na babaeng gumagalaw sa mundo ng business world ay handang maglaglag ng panty para kay Damon?”
“What?” natatawa kong bulalas.
“Oo nga! His s*x appeal is so powerful, and seriously, mas lalakas ang dating niya kapag nalaman mo ang background niya. He’s very successful businessman, Sabrina, and hot,” ngumisi siya sa huli niyang sinabi.
Nagtaas ako ng dalawa kong kamay na para bang surrender na ako.
“Okay, sinabi mo, e.”
Siniko niya ako. “Suwerte mo kanina, naranasan mong umibabaw sa kaniya.”
“Stop!” Natatawang tinakpan ko ang tainga ko, as if hindi ko na siya maririnig sa ginawa ko.
I don’t have an innocent mind, actually. I’m already twenty-three-years old, at marami na rin akong naging kaibigan o nakasalumuha na open sa s*x topic, especially ang mga kliyente ko ay nanggaling sa ibang bansa kung saan maraming liberated na tao. Hindi maiiwasan ang ganoong topic, asaran, kuwentuhan. But the hell! I’m still a virgin, but that doesn’t made me a saint. Kaya nga alam ko ang ibig niyang sabihin sa ‘pag-ibabaw ko kay Damon del Valle. Pero alam ko rin na kapag pinatulan ko itong pinsan ko ay hindi niya na ako tatantanan.
“What! Hindi mo ba na-feel?”
Pinamaywangan ko siya. “Don’t tell me isa ka sa nagnanasa sa kaniya?”
Nginisian niya nanaman ako. Pinalo ko siya sa braso kaya halos napahiyaw siya.
“Loka-loka! Baka nakakalimutan mo, fix na ang future natin pagdating sa lalaking pakakasalan natin. Hindi ka puwedeng lumandi.”
“My God, Sab, don’t tell me hindi ka talaga lumandi?”
Tiningnan ko lang siya. Buong buhay ko ay pinigilan ko ang sarili ko na malapit o magkagusto sa kahit na sinong lalaki, dahil alam kong darating ang araw na ang magulang ko mismo ang magpapasya kung sino ang lalaking nararapat para sa akin. Tradisyon na iyon ng pamilya namin, even Mommy and Daddy’s marriage was made from an arranged marriage. Nakikita ko namang nagwo-workout. They learned to love each other, kaya tinanggap ko na lang din ang kapalaran ko. I chose to distance myself from any man I have met, well, except my best friend, Fabian.
Masuyo niya akong pinagmasdan at inayos ang buhok kong tinatangay ng hangin.
“If I were you, sasamantalahin ko ang pagkakataon na malaya pa ako. I won’t let myself to get drag into arranged marriage without experiencing the true love.”
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kong lumayo sa ibang lalaki na puwede kong mahalin, o dapat ay sinubukan ko, kahit saglit lang, at least naging masaya ako, hindi ba?