Chapter 45: SABRINA TULIRO ako habang naglalakad sa hallway ng hospital. Nang sabihin sa akin ni Samantha ang nangyari kay Kuya Ale ay kaagad akong nagpa-book ng flight pabalik ng Pilipinas. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko, kay Xander, pero wala roon ang utak ko ngayon. Ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay ang makita si Kuya Ale. Hinanap ko ang room ni Kuya na siyang ni-text sa akin ni Samantha at doon na dumiretso. Mula sa mabilis at nagmamadaling lakad ay bumagal ang kilos ko nang makita ko sina Dad sa labas ng kuwarto ni Kuya Ale. Nakaupo sila sa isang plastic bench, si Dad, Mom, pati na rin ang mag-asawang Angelos. Kagaya nang dati, para pa rin silang isang buong pamilya. Nakarandam ako ng pait dahil doon. It reminds me of why I left. Pero kung ano man ang mga rason

