Chapter 43: SABRINA "NAKAUSAP ko na ang secretary ko, inihahanda niya na ang pag-alis mo papuntang Paris. Sa Europe ay wala masyadong access ang Del Valle kaya hindi ka niya roon madaling matutunton, unless kung talagang hahanapin ka niya, which is I highly doubt." Tahimik lang ako habang ipinapaliwanag ni Kuya Ale ang mga plano niya. Sa condo niya na ako natulog. Ako ang pinatulog niya sa kama at siya sa sofa. Kinabukasan ay tinawagan niya kaagad ang secretary niya para maipaayos ang pag-alis ko. Gusto ko munang lumayo. Masyadong malalim ang sugat na nakabaon ngayon sa puso ko. Alam kong hindi tamang takbuhan na lang ang mga problema, pero ito na lang ang tanging kaya kong gawin upang isalba ang sarili ko sa mga panloloko nila. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip. Kaya pala sobr

