Chapter 24: SABRINA "ARE you okay? Kanina ka pa tahimik?" Mula sa pagkain ko ay napaangat ang tingin ko kay Damon. Nagtatanong ang mga tingin niya sa akin, nag-aalala. Kagaya ng ipinangako niya ay lumabas nga kami for dinner. Kahit na medyo distracted ako dahil sa agam-agam sa loob ko buhat ng napag-usapan namin ni Alexander ay sumama pa rin ako sa kaniya. Naipangako ko na rin kasi ang oras ko sa kaniya, at alam kong naglaan din siya ng oras para sa akin sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho. Umiling ako at nagpilit ng ngiti. "Yes, of course. Iniisip ko lang 'yong collaboration namin ni Alexander Ibarra." Pinanood ko siyang uminom sa wine niya at saka ipinagsalikop ang dalawang palad niya pagkababa ng kopita sa mesa. "He likes you." That's not a question. "Maybe?" sagot ko lan

