Chapter 36: SABRINA "WAIT, Sabrina," tawag sa akin ni Brittany. Katatapos lang namin mag-lunch at kababalik lang sa tower ng Reyna Royale. Kami na lang ni Brittany ang bumalik sa opisina dahil may imi-meet pa si Crystal na kliyente sa labas. Papalapit na ako sa elevator para makaakyat ako sa office floor ko nang pigilan ako sa braso ni Brittany. "Yes?" Huminga siyang malalim at binitiwan ako. Nilipat niya sa lace ng bag niya ang kamay niya at tinagiliran ako ng tingin. Humarap na ako sa kaniya at tiningnan siya nang nagtataka. "About what I told you earlier, about Damon and Serena Claire?" "Hmm?" "Just forget what I said." Pinagmasdan ko siya saka nagsalita. "You want me to forget what I just learn from you, after I found out that anytime Serena can come back and win my fiancé bac

