SHIELO gasped when she opened her eyes. Nakita niya si Ninong Jax na hawak na sa kuwelyo si Brent at mukhang susuntukin na naman ito. “The girl already asked you to stop! Bingi ka ba?!” sigaw nito na halos idinikit na ang bibig sa tainga ng lalaki at ang isang kamao ay nakataas at handa ulit pagpakawala ng suntok. “Ninong! No, please!” sindak niyang pigil rito. Dali-dali siyang tumayo at hinawakan ito sa braso. “Walng siyang ginawa!” Tumigil sa pagpupumiglas si Brent at tumingin sa kanya. “Ninong?” Patulak na binitiwan ni Ninong Jax ang lalaki kaya muntik pa itong malaglag sa ibabang hilera ng mga upuan. Binalingan ni Ninong Jax si Shielo at siya naman ang hinawakan ng mahigpit sa palapulsuhan. “Walang ginawa? At ipagtatanggol mo pa ‘tong hinayupak na ‘to? Pinagsasamantalahan ka na

