Chapter Twelve: Accident

586 Words
Katapusan ko na ata. Ngayon gaganapin ang kasal namin ni Ezekiel. Diko alam ang gagawin ko, tatakbo ba or pupunta? "Handa kana ba?" tanong saakin ni Elis. Katulong nila Ezekiel. Tumango lang ako bilang ganti. "Parang hindi ka ata excited?" tanong niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya habang inaayos ang wedding dress ko. Lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Ashley, hindi nila hawak ang buhay mo, kaya pag-isipan mo to. Siguro lahat ng babae ang pinakapangarap ay ang makasal sa lalaking mahal nila. Diba yun ang pangarap mo?" tanong niya. "Oo." sagot ko. "Pero hindi kay Sir Ezekiel." Pano niya nalaman? " Ashley dimo kailangan magpaksal sa taong di mo mahal para lang sa pera. Ashley ang kasal ay ginawa para gawin iisa ang puso niyo. Pero sa tingin mo ba pagkinasal kayo ni Sir Ezekiel ay magiging isa kayo? Syempre hindi, dahil hindi kayo parehas ng nararamdaman." sabi ni Elis. "Wala na akong magagawa Elis,"  Tiningnan niya ang mga mata ko at hinimas himas ang likod ko. "May magagawa kapa. Kapag pag-ibig ang pinag-uusapan madaming paraan. Tumakas ka, at habulin mo an taong mahal mo talaga. Dahila ang pag-ibigwalang pinipiling estado." tama siya pero paano ang anak ko? Ayokong maghirap siya ng dahil saamin. "Ano? WAla ka bang gagawin?" tanong ni Andrew. "Ano naman ang gagawin ko?" tanong ko. "Pumunta ka sa kasal nila, tas sabihin mo dun, Itigil ang kasal!" sigaw niya with feelings pa. "Yung parang k-drama na pinanood mo kahapon? Drama lang yun iba sa totoong buhay."  "Kenneth kailangan mong ipaglaban si Ashley." ani ni Christian. "If I fight for our love, you think? I will win? Syempre hinde. Dahil ako nalang mag-isa ang lumalaban saamin." sabi ko.  "Pano kung ganon din si Ashley?" tanong ni Drew. "Anong ibig mong sabihin?" "Lumalaban si Ashley. Dahil buntis siya at ikaw ang Ama." sagot ni Drew. Di ako makapaniwalang nagbunga ang pagmamahalan namin ni Ashley. Diko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Nakakulong parin kasi ako sa kwarto ko at madaming bodyguard ang nasa labas. "Pero ano naman ngayon? Hindi ko parin siya kayang ipaglaban. Di niyo ba nakikita nakakulong ako." sabi ko. "Namimiss ko na atang manuntok." anunsiyo ni Christian. Parang nakuha ko ata ang ibig niyang sabihin. Kinuha ni Christian ang cellphone niya at tinawagan ang isa sa mga body guard. "Sir anong pong kailangan natin? "Aahh lalabas na sana kami, "Sige po bubuksan ko na po ang pinto. Pagkabukas sa pinto ay kaagad naming  sinalubong ng suntok ang body guard habang si Christian ay nakaharap lang sa pinto. Nawalan ng malay ang body guard. Ang hina pala. "Dapat ako ang sumuntok ehh." reklamo ni Christian. Lumabas kami sa kwarto akala ko tapos na, may iba padin pala sa may sala. "Kami na ang bahala nito, dumaan ka sa likod. Dun sa kusina." anunsiyo ni Drew.  Tumango lang ako bago tumakbo papunta sa kusina. Ng makita ako ng mga yaya akala ko tatawag sila ng guard pero iba sa inisip ko ang inasal nila. Imbes na magsumbong ay binuksan nila ang binta at tinulungan akong makalabas sa bahay.  Dali-dali akong tumakbo papunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila AShley at Ezekiel. Ashley wag na wag kang mag-iido. Papunta na ako diyan hintayin mo lang ako. Beeep- napalingon ako sa bandang kanan ko at nakita ang isang taxi. RAmdam ko ang pagtigil ng oras. At sa sandaling dumampi ang kotse sa katawan ko ay doon ko na naramdaman ang pagragasa ng dugo mula sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD