"Ezekiel may tanong ako." Wala sa sarili kong sabi. Abala naman ang pinsan ko sa paglalaro ng video games. Aliw na aliw ito nang datnan ko sa bahay nila. "Ano?" He asked habang titig na titig pa rin sa nilalaro niya. "Nakahalik ka na ba ng babae?" Tanong ko. "Oo naman. Bakit mo natanong?" He said. "Mukha kasing lalaki ang hinahalikan mo e." Natawa ako nang bigla siyang napamura kaya natalo ang character niya sa nilalaro. "Tangina, Coleen! Malapit na ako sa next level e! Mangkukulam ka talaga! At anong sinasabi mong lalaki ang hinahalikan ko?!" Asar niyang sabi. Humahalakhak ako habang naiinis siyang bumalik sa paglalaro. "Joke lang. Noong kayo pa ni Helena, hinahalikan mo siya?" "Malamang." "Kapag ba hinalikan mo gusto mo na kaagad?" "Depende." "Paanong depende?" Pangungulit

