Nasa kusina ako at naghahanap ng makakain kaso ang problema wala ng laman ang ref. Anak ng pustpa. Kung kailan pa ako sobrang gutom e. Nakakita ako ng cup noodles sa may cabinet. Masayang-masaya akong kumuha ng mainit na tubig sa dispenser. Inihalo ko ang seasoning at tsaka tinakpan iyon. Ilang minuto ang hinintay ko bago ko ulit 'yon binuksan. Mukhang edible na 'yong noodles kaya hinalo ko muna 'yon ng hawak kong tinidor. "What are you doing?" Hindi pa ako nakakasubo ay narinig ko na agad ang boses ni Xeus. Great. Kung kailan talaga nasa rurok, tsaka siya umeepal. Nakanganga na ako e. Isusubo ko na dapat diba? Tss. "Hindi pa ba obvious? Kumakain!" Palatak ko. "I know-- "Oh alam mo naman pala, nagtatanong ka pa." Masungit kong sabi. Hindi ko alam kung anong trip niya pero lumapit s

