C H A P T E R 1 7 ━━━━༺❀༻━━━━ Napakurap-kurap ako ng makabawi sa sinabi niya at hindi makapaniwala siyang tinitigan. That woman raped him? No way! Ilang beses nagmura si Zayn bago paandarin ang kanyang kotse. Hindi na ako nakapagsalita hanggang makarating kami sa building, kitang-kita ko pa nanginginig ang kaniyang kamay at mahigpit ang hawak sa manibela. Walang umimik sa amin hanggang makarating kami sa harap ng condo ko, nakapamulsa lamang siya pero alam kong nakakuyom ang kanyang kamay sa loob ng bulsa. "I-I need to take a bath..." He mumbled. Napa-angat ang ang aking kilay roon. "Hah?" "Gusto ko maligo, naiinitan ako," wala sa sariling binuksan ko ang condo ko at tinuro ang pintuan sa gilid. Suminghap siya saka walang sali-salitang pumasok doon animong nagmamadali. "Anong prob

