C H A P T E R 10 ━━━━༺❀༻━━━━ Mabilis kong pinatay ang tawag nang masabi sa akin ni Butler Mat kung saan ko siya pupuntahan. Pasakay na sana ako sa kotse ng may humawak sa aking pulsuhan kaya napatigil ako. "Sweety, where are you going? Aalis ka na?" hinihingal na usal ni Charles. Natigilan ako at doon ko naisip kung anong gagawin ko. I will leave Charles just like that, without any words. Suminghap ako. Ano bang nangyayari sa akin? "I need to go Charles." Binigyan ko siya ng makahulugan tingin, alam ko naman na maiintindihan niya ako. Kumunot ang kaniyang noo, bahagyang hinawakan ang aking braso. "May nangyari ba? Samahan na kita?" he offered. Kaagad akong umiling. "Hahanapin lang namin si Zayn tumawag kasi 'yong Butler niya na nawawala raw siya," pag-aamin ko sa kaniya. Naisip k

