Warning: This chapter contain voilence and s****l activity. C H A P T E R 3 5 ━━━━༺❀༻━━━━ Nagising ako dahil sa sakit ng aking ulo, parang binibiyak iyon at pakiramdam ko ay bahagya pang kumikibot ang ugat ko sa batok. May naririnig akong mahinang tunog na parang sumisipol. Nananaginip ba ako? Hahawakan ko sana ang aking ulo pero hindi ko ito maigalaw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, kaagad bumaba ang aking tingin sa kamay ko at gano'n na lang ang aking pagtataka at kaba nang makitang nakatali ang magkabila kong pulso sa magkabilang gilid ng kama. What happened?! Mariin akong pumikit upang alalahanin ang nangyari. Napasinghap ako nang unti-unti kong maalala ang huling tagpo bago ako mawalan ng malay, kumatok si Zayn sa kotse ko tapos nang binuksan ko ay hinawakan niya ang p

