C H A P T E R 5
━━━━༺❀༻━━━━
"What's your problem Lauren?!" mariin akong napa-pikit nang marinig ang boses ni Daddy sa aking likuran. Ramdam ko ang galit sa kaniyang tono at mukha kahit hindi pa man ako humaharap sa kaniya.
I let a hard breath before facing him.
"Dad," malumay na usal ko at nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang galit na mata sa akin ng aking Ama.
Who wouldn't be mad? Bigla na lang akong umalis kanina, hindi ko lang talaga nakayanan ang presensiya ng fiancé ko kuno.
Sa sobrang lapit namin kanina ay naitulak ko siya palayo sa akin at mabilis akong lumabas sa restaurant na iyon. Sigurado akong napahiya si Daddy sa inasta ko kaya alam kong papagalitan niya ako dahil doon.
"What comes in your head and you just left? Are you planning to ruin my name?!" Nag-angat ako ng tingin kay Daddy dahil sa kaniyang sinabi. Kitang-kita ko ang ugat sa kaniyang leeg ng habang nasa beywang ang dalawang kamay.
Sobrang lakas din ng kaniyang boses kaya hindi na ako magtataka kung pagtitinginan kami rito sa parking lot.
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang umiiling. "No Dad," giit ko.
"And why the hell are you acting like that?! Napag-usapan na natin ito buwan na ang nakaraan hindi ba? Inaasahan kong pakikitunguhan mo ng maayos ang anak ng kaibigan ko."
"Dad just give me time." Suminghap ako.
Hindi ko alam pero parang mas lalo pa atang sumama ang mukha niya sa aking sinabi ko.
"Give you what? A time? At ano, hanggang malugi ang kompaniya natin? Lauren, alam mo ang dahilan kung bakit. Pasalamat ka't hindi nagalit si Mr. Coster sa ginawa mo kanina. Come on, fix yourself and come inside, make an excuses. Kahit ano, para hindi ako mapahiya. Don't disappoint me, ito na nga lang maitutulong mo e nagpapabigat ka pa."
Mabilis akong tinalikuran ni Daddy. Napatitig ako sa kaniyang likuran habanh naglalakad sa palayo sa akin
Napapikit ako dahil sa frustration na nararamdan. Ayoko talaga ng ginagawa ko, pero anong magagawa ko?
How can I act normal? I thought it was easy but It seem that I'll be having a hard time especially that I feel something in my stomach and chest earlier while that man was around me.
Napatingin ako sa pintuan ng restaurant nang makita sila Dad na papalabas na kasunod ang paglabas ng lalaking may mga tattoo sa braso pero bagay na bagay pa rin sa business attire na suot niya.
Pakiramdam ko ay nanginginig ang aking tuhod habang naglalakad papunta sa gawi nila dahil alam kong nakatingin na sila sa akin habang ako ay nasa aking paa lang ang tingin.
Huminto ako nang maaninag ko ang kanilang mga anino tapos ay roon pa lang nag-angat ng tingin. Kaagad din akong napalunok ng magtama ang mata namin ni Quvenzhane.
Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha. Sinenyasan niya ang mga bodyguards at isang lalaking kasama niya, kaagad umalis ang mga ito at nauna na sa magarang kotse na nakaparada sa hindi kalayuan sa amin.
Napatingin ako kay Daddy at kila Uncle na nakamasid sa gagawin ko habang matalim ang tingin sa akin. Alam kong bantay nila ako lalo't baka pumalpak na naman ako.
Nahigit ko ang aking hininga nang naglakad papalapit sa akin si Quvenzhane.
Huminto siya sakto isang hakbang sa aking harapan kaagad kong naamoy ang kaniyang natural na amoy. Handa na akong makarinig ng sumbat at panlalait mula sa kaniya kaya naman sobrang nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
He tapped my head and caressed my hair.
"Go home and rest, baby," mahinang aniya pero rinig na rinig ko.
Hindi ko alam kung anong itsura ko pero sigurado akong nakanganga at nanlalaking mata ko habang nakatingin sa kaniya.
Tama ba ang narinig ko?
Napakurap-kurap ako nang halikan niya ang aking nuo ng tatlong beses bago ngumiti ng tipid 'yong akala mong mamahalin ngiti dahil sa sobrang ganda. I feel like I can't breathe because I feel so nervous and my knees are getting weaker.
"Q-Quvenzhane," bulong ko habang nakatingin sa kaniyang mata.
"Just call me Zayn," he said with a low sweet voice.
Iba ang paraan ng pagtitig niya, may emosyon sa kaniyang mata na hindi ko mawari hindi ko pa iyon nakita sa mata ni Charles tuwing nakatitig siya sa akin kaya nagtataka ako kung ano iyong emosyon nasa mata ni Quvenzhane o Zayn.
Hindi ako nakasagot sa kaniya, tumuwid na siya ng tayo ang akala ko ay aalis na siya pero mas napanganga ako ng humarap siya kay Daddy.
"Don't you dare shout at her again. That's not a request, that's an order," puno ng awtoridad ang boses ni Zayn nang sinabi niya iyon kay Daddy na kaagad tumango at yumuko.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanila. I never seen my father like that.
Humarap pa ulit sa akin si Zayn kumindat siya bago lumakad palayo napakurap-kurap ako dahil doon.
What the f**k happened?
Hanggang makaalis ang sasakyan nila ay nakatayo lang ako roon at nakatulala, ni hindi ko rin napansin na umalis na rin sila Daddy na hindi man lang ako sinabihan.
Ni hindi man lang talaga nagpaalam o baka naman hindi ko lang din napansin dahil okupado ang aking isip
Okupado ng isang tao. Ugh!
Hindi ko dapat iniisip ang mukha na iyon at boses niya. Ang dapat kong gawin ay umisip ako ng paraan para maturn off siya at ipahinto mismo ang kasal katulad ng plano namin ni Charles.
Speaking of Charles, kamusta na kaya siya? Madaling araw na kaming naghiwalay kanina pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon ay inihatid niya ako sa tinitirhan ko. Iyon na muna ang huli namin pagkikita ni Charles napagkasunduan namin na hindi muna kami madalas magkikita habang inaasikaso ko ang plano ko.
***
Pabagsak akong humiga sa kama ko at napatitig sa kisame. Ilang oras na simula ng pagkikita ko at ang fiancé ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa ganito.
Ang tanging gusto ko lang naman ay manatili akong isang mabuting anak sa mata ni Daddy pati na rin sa mga kamag-anak niya na alam kong mababa ang tingin sa akin dahil anak ako sa labas. Kasalanan ko ba iyon?
Kahit ang asawa ni Daddy ay tuwing makikita ako ay halos magwala at umiiyak dahil isa raw ako sa palatandaan ng pagtataksil sa kaniya ng kaniyang asawa. Mabuti na lang at ang kapatid ko sa Ama ay hindi naman gano'n ang trato sa akin, kumbaga ay sa pamilya na iyon siya na ang pinaka maayos na trato sa akin.
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko ng may nagdoorbell sa labas, kunot-nuong lumapit ako roon at binuksan.
Wala naman akong inaasahang bisita ngayon kaya halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa aking harapan sa labas ng aking condo.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
Ibang-iba ang kaniyang itsura. Kung kanina ay naka-formal attire siya at nakataas ang buhok ngayon ay nakababa ang buhok niya tapos ang suot niya ay iyong parang pormahan ng mga kpop.
"Annyeong haseyo!" masiglang bati niya sa akin saka nag heart sign kaya lalo akong napanganga habang humigpit ang hawak ko sa hamba ng pintuan.
"Zayn," bulong ko habang titig na titig sa kaniyang mukha.
Alam kong si Zayn ito pero bakit parang may iba sa kaniya at paano niya nalaman ang bahay ko?
Nakita kong napa "O" ang kaniyang labi tapos ay napahawak sa sariling baba bago ako pinasadahan ng tingin.
"You must be so special for him to let you know his nickname," aniya na may kasamang pagtango-tango pa.
"A-Ano?" naguguluhan tanong ko.
"Dwae-sseo." Forget it.
"W-What? Why are you here Zayn?" tanong ko ulit.
Napangiwi siya ng banggitin ko ang kaniyang pangalan, naglahad siya ng kamay sa akin.
"I'm not Quvenzhane, I'm Ji-hyeon and for your next question, I'm just checking who's the lucky girl," wika niya sabay ngiti.
Napamaang ako sa kaniya, hindi ako naniniwala. Maybe he changed his clothes and hair but I know he is Zayn. I can feel it, but there's something wrong with him. What happened? Baka naman pinagti-trip-an ako nito?
Magsasalita pa sana ako nang may biglang sumigaw sa gilid.
"Mr. Coster!" Napatingin kami roon, kaagad ko siyang nakilala. Siya 'yong lalaki sa restaurant na secretary ata niya.
Nakita ko kung paano nawala ang emosyon sa mukha ni Zayn o Ji-hyeon daw habang nakatingin sa bagong dating.
"Ano na naman tanda? And I told you not to call me his surname right?" masungit na aniya.
Nagulat pa ako sa kaniyang pagta-tagalog pati sa pagsasalita niya. Ibang-iba sa paraan niya kanina.
Mabilis na naglakad ang bagong dating na lalaki papunta sa amin.
"You need to rest, Sir," parang siyang kinakabahan.
Inismidan siya ni Zayn o Ji-hyeon.
"A-Ano pong nangyayari?" hindi ko na maiwasan ang magtanong.
Napatingin sa akin ang lalaki tapos ay parang nang-aalinlangan magsalita.
"Sorry, Miss Trios," wika niya tapos ay yumuko bago senyasan ang mga kasamang body guard na hawakan si Zayn.
"Hays! Don't touch me aliens! I can walk! I can run too! Hindi niyo ako kailangan hawakan nakakainis naman minsan na nga lang makalabas!" inis na sabi niya habang hinahawi ang mga humahawak sa kaniyang braso.
Dahil sa laki ng katawan ng humihila sa kaniya ay nagawa nila siyang hilain, bago pa sila maka-sakay sa elevator ay humarap pa si Zayn sa akin saka ay nagheart sign na naman bago sumigaw.
"See you again Dongsaeng! Remember my name!" sigaw nito bago sumara ang pinto.
What was that?
____________
SaviorKitty