C H A P T E R 3
━━━━༺❀༻━━━━
Isang malakas na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang maka-baba sa taxi na aking sinakyan. Deretsyo ang aking tingin, pakiramdam ko'y kapag tumingin ako sa iba'y makikita nila ang nasa isip ko. I don't know how to react right now. Once I step out of this lift, I should do what I need to do, what I have planned.
Pumikit ako saka pinagkrus ang mga braso sa tapat dibdib, pero kaagad din napadilat at napabuga ng malakas ng hangin nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi sa bar.
I shook my head.
No... No...
Hindi ko na dapat iniisip kung ano man iyon at kung sino man iyon ay tapos na. Maybe he was just drunk as hell last night that's why. Kaya siguro niya iyon ginawa, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan tuwing naaalala ang nangyari kagabi sa loob ng restroom ng bar.
Wala akong dapat ikakaba, hindi ko na makikita kung sino man 'yon. Tama, isang lalaking lasing lang iyon na nan-trip sa akin.
Halos napaigtad ako nang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Huminga ako ng malalim bago humakbang papunta sa kwarto na ikinu-ukupahan ni Charles.
I pressed the doorbell, seconds passed I heard footsteps and there, a handsome man welcomed me.
"Sweety!" he called me with sweet smile on his lips. Lips that I tasted uncountable.
Pinilit kong suklian ang matamis niyang ngiti pero nauwi sa ngiwi ang aking ngiti ng dambahin niya ako ng mahigpit na yakap.
Charles hugged me tight, he also rubbed my back.
Habang ako ay nakatulala lamang doon, natutuwa akong makita siya dahil ang huli namin pagkikita ay dalawang linggo na ang nakakaraan dahil may inaasikaso siyang business nila rito.
Napakurap-kurap ako nang hilahin niya ako at iginayang pumasok sa kaniyang kwarto.
Unti-unting sumisikip ang aking dibdib habang nakamasid kay Charles na malawak ang ngiti. Bakit hindi ko magawang suklian ang tuwa niya na makita ako? Dahil siguro alam kong kapag kinausap ko na siya ay mawawala na ang ngiti na iyon sa mukha niya at iniisip ko pa lang iyon ay nasasaktan na rin ako.
"Have a sit." Iminuwestra niya ang isang upuan sa gilid ng kaniyang kama bago siya naupo sa kaniyang kama. "Akala ko ay mamaya ka pa dadating e. Bakit mo ako pinuntahan huh? Namimiss mo na ako no," tudyo niya sa 'kin habang malawak ang ngiti na nakatitig sa aking mukha.
Inilahad niya ang kamay sa akin ng hindi ako umupo sa upuan.
Napatitig ako sa aking kasintahan, siya ang unang lalaking nagustuhan ko. Charles is an amazing man; we became friends for almost a year before asking me a date. The memories are still vivid. He asked me for a movie marathon; then the last movie was our pictures together. He compiled it to make it like a slide show.
Tapos sa huling slide ay may nakasulat na 'Will you be my girl?' doon ko sinagot si Charles, and that was four years ago.
"Ayos ka lang?" Napa-kurap-kurap ulit ako nang pumitik si Charles sa aking harapan, pinilit niyang abutin ang aking kamay, pinagbigyan ko siya sa gusto niya. I let him touch my hand. "Are you okay? Natulala ka na ata sa kagwapuhan ko e, napagod ka ba sa biyahe?" biro niya tapos ay ngumiti sa akin saka hinalikan ang aking kanan kamay.
I tried to smile to him, even feel suffocated. How could I let go of this man? Masyadong mabait si Charles sa akin, masiyado kaming masiyadong pinagdaan para bitawan ko lang ng ganon.
I love him.
Napabuntong-hininga ako sa aking naisip, of course I love him. He's my boyfriend.
Tuluyan akong lumapit sa kaniya, tumayo ako sa kaniyang harapan kaya bahagya niya akong tiningala.
"Charles, i-ikakasal na ako." Halos maibulong ko na lang ang huling salita na iyon at bahagya pang nanginig ang aking boses.
Punyeta ang sakit!
"Sa akin? Of course, Sweety," wika niya habang niyayapos ang aking kamay pero ramdam ko ang pagnginig ng kaniyang labi.
Kaagad akong umiling habang pinag-aaralan ang kaniyang mukha, baka ito na ang huli namin pagkikita.
"W-What do you mean Sweety? Come on, huwag kang magbiro, hindi maganda." Pekeng tumawa pa siya.
Gusto ko rin makitawa sa kaniya kung hindi nga lang totoo. Sana nga ay hindi na lang totoo, Charles.
He laughed a little more before he looked away.
I bit my lower lip. I tried to lessen the heavy stone in my chest. "I'm sorry Charles p-pero ikakasal na ako sa ibang lalake at nandito ako pa-"
"Drop it, sweety." Nakangiting aniya.
"Charles seryoso ako, napag-usapan na namin ni Daddy na-"
"Stop it. Ayokong marinig Lau. Is this one of your prank? Tama na, hindi ako natutuwa, hindi magandang biro," buong pagmamaka-awang usal niya habang taimtim na nakatingin sa akin, may halong inis na sa kaniyang boses.
"Hindi ako nagbibiro ito ang gusto ni Dad at-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang tumayo si Charles tapos ay malakas na inihagis sa isang gilid ang unan, tumama iyon sa isang vase at gumawa ng ingay ang pagkabasag.
"Tangina, ang ama mo na naman? Sila na naman? Mamanipulahin ka na naman nila? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Lauren?! They are manipulating you! You're breaking up with me? Just like that? After so many years? Bakit hindi mo ba ako mahal? Ano 'yon Lau, hawak ba nila desisyon mo? Gano'n na lang?" puno ng poot na usal ni Charles dahilan para tumulo na ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan.
Hindi mo kasi ako naiintindihan, Charles. Gusto ko iyong isigaw sa kaniya pero alam kong hindi tama.
Sunod-sunod na pumatak ang mainit kong luha sa aking pisngi habang nakatingin sa galit na mukha ni Charles. Pakiramdam ko ay lumabo na ang aking paningin, rinig ko ang mura ni Charles habang namumula ang kaniyang mukha.
"Huwag kang umiyak Lauren, sagutin mo ako! Bakit gusto mo ba ang ipapakasal sa'yo? Ano mayaman ba?! May trabaho naman ako!" malakas na sigaw niya dahilan ng paghikbi ko, mas pumula ang kaniyang mukha.
Mabilis akong umiling. "Hindi, hindi gano'n Charles. You know that I'm not like that. Alam na alam mo kung gaano ko kagusto na maayos ang relasyon namin ni Daddy. Hindi ko . . . hindi ko siya kayang suwayin, hindi ko pwedeng sabihing hindi," marahan ngunit buong diin wika ko.
Napasabunot naman ng buhok si Charles saka bumalik sa kaniyang pagkakaupo.
Hindi siya kaagad nakapagsalita, hindi rin siya makatingin sa akin na. Binalot kami ng katahimikan.
"What's your plan?" mahinahong tanong niya pagkaraan ng ilang minuto.
Pinunasan ko ang aking luha bago tumingin sa kaniya. "H-Hindi pa kami magpapakasal kaagad. Maybe a year?" Nakita kong tinaliman niya ako ng tingin saka siya umiling animong hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Sa mga panahon na iyon ay gagawin ko lahat para hindi matuloy ang kasal. Y-Yung siya ang aatras at hindi ako, para walang masabi si Daddy sa akin. Please, Charles intindihin mo ako kailangan ko itong gawin," nagmamakaawa akong napatingin sa kaniya na seryoso ang mukha.
"So, parang ako pa ang magiging kabit? That's unfair Lauren," giit niya. "Hindi mo itutuloy ang pagpapakasal kung sino man iyon. Umalis tayo? May pera naman na tayo. May trabaho tayo at kaya kitang buhayin. Let's run away Sweety," sabi niya saka hinawakan ulit ang aking kamay at bahagya iyong pinisil.
Kaagad akong ginapang ng kaba dahil sa sinabi niya, kaagad ko ng nakita kung gaano ka-disappointed si Daddy kapag ginawa ko iyon.
"H-Hindi ako puwedeng umalis, alam mong kapag ginawa ko iyon lalo akong kakasuklaman ng p-pamilya ko," pahina nang pahina ang aking boses.
"Pamilya?" Tumawa si Charles pero walang buhay. "Lauren, ni hindi ka nila itinuturing na pamilya," madiin usal niya dahilan para mapa-tunganga ako.
He's right.
Alam ko naman iyon pero masakit pala kapag sa iba nanggaling. Pakiramdm ko ay nanuyo ang aking lalamunan sa kaniyang sinabi.
Mukhang napansin ni Charles iyon kaya agad siyang yumakap sa aking beywang. "Sorry for what I said," wika niya tapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. "Galit ako sa totoo lang pero kinakalma ko ang sarili ko dahil alam kong hindi ka gagawa ng bagay na ikakapahamak mo. You're the most intelligent woman I've ever met. Susuportahan kita kahit nakaka-tanga ang plano mo. Sige papayag ako kasi may tiwala ako sa'yo," mahabang usal niya, mariin akong napapikit nang dampian niya ng mabilis na halik ang aking sentido.
Parang may humaplos sa aking puso at masayang nginitian si Charles. "Thank you. Pangako, gagawa ako ng paraan Charles hintayin mo lang ako. Pagka-natapos ito sasama na ako sa'yo, sasabihin ko na kay Daddy ang tungkol sa atin," pagsisigurado ko sa kaniya.
Sandali niya akong tinitigan animong naninigurado bago ako tipid na nginitian.
"I'll keep your promise. Kilala mo ako Lauren, masama akong magalit pero iniintindi kita. Isa lang ang gusto ko," aniya dahilan para magsalubong ang aking kilay.
"Ano?"
Sinapo niya ang aking mukha.
"Kailangan ko ng panghahawakan. Hindi ako tatanga lang Lauren habang alam kong engage ka sa iba. I need to mark you," bulong niya dahilan para bumukas ang aking bibig.
"A-Anong sinasabi mo?" hindi makapaniwala na usal ko sa kaniya.
"Allow me to mark you. Lauren let me deflower you," seryosong aniya habang mapungay ang mata wala na ang galit na emosyon na nandoon.
Napa-kurap-kurap ako dahil sa sinabi niya.
Mahal ko si Charles. Tama na ibibigay ko ang sarili ko sa kaniya? Ayos lang ba na gawin ko ang gusto niya para may panghahawakan siya habang engage ako sa iba? Hindi ba't nangako kami noon na hihintayin niyang ikasal kami.
Kumunot ang noo ko dahil doon, pinakiramdaman ko ang aking sarili.
Ang pag-iisip ko ay napukaw lamang nang unti-unting bumaba ang mukha ni Charles sa akin.
"I love you Lauren," bulong niya bago ako itulak pahiga sa malambot na kama.
______
SaviorKitty