C H A P T E R 2 2 ━━━━༺❀༻━━━━ Nakatitig ako sa aking daliri kung nasaan ang binigay na singsing ni Zayn. It's beatiful diamond ring but it feels empty for me, wala akong naramdaman ng isuot niya iyon sa akin. Hindi ako sumagot kanina basta tumitig lang ako sa palad niya kaya hindi na niya hinintay ng sagot ko't siya mismo ang nagsuot no'n. Do I have a choice? Napatingin ako sa pintuan ng kwarto kung nasaan ako nang bumukas iyon at sumilip si Zayn. Napataas ang kilay ko at napaayos ng upo sa kama. "Can I come in?" "Bahay mo 'to." Napangiwi siya bago buksan ng malaki ang pinto at pumasok, sinundan ko ang galaw niya nang isarado niya ulit ang pintuan bago naglakad papalapit sa akin habang nakapamulsa sa gray na sweater pants niya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Zayn. His f

