Mag isa akong nasa company ngayon, in his office actually dahil may kinailangan siyang asikasuhin sa labas, na re schedule ang meeting na hindi niya na sipot dahil nag dinner kami kina mommy at daddy. Habang nag re review ako ng mga reports ay biglang na buksan ang pintuan ng office ay pumasok si Vivian sa lob ng office. “Hi ma’am, a lunch po from sir Salvius,” sambit niya sa akin. Agad naman akong napa tingin sa dala niya. “Please put it in his table,” naka ngiting sagot ko sakanya. Puno na ang tabl ko ng mga papel at ayokong alisin tapos ibabalik na naman pagka tapos kong kumain. Tumango naman siya sa akin at ngumiti. “May sinabi pa ba siya?” tanong ko kay Vivian nang makita ko siyang hindi pa luma labas ng office. “Actually, yes po, he told me na sabihan ka po na kainin agad a

