NATHALIE’S POV Naiwan akong nakaupo dito sa living dahil umalis na si Rafa para maghatid ng niluto kong soup sa bahay nila mommy. Habang naghihintay ako sa pagbalik ng asawa ko ay binuksan ko ang tv dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin na balita. “Kasalukuyang inaresto ang anak ni Mayor Cruz. Ang anak niya na si Jerome Cruz isang businessman at CEO ng Cruz Inc.” rinig ko na sabi sa balita. “Sir, ano po ang masasabi niyo? Totoo po ba ang mga paratang sa inyo?” tanong ng isang reporter kay Jerome. “Walang katotohanan sa mga paratang nila sa akin. Alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. I’ll show you na mali ang paratang mo sa akin.” galit na sabi niya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sigurado ako na may kinalaman ang asawa

