Pilit na pinipigilan ni Nathalie ang galit niya sa nalaman niya. Kaya nagpahatid siya kay Rafa sa sakayan ng bus. Muntik na siyang hindi nakapag-isip ng tama. Mabuti na lang dahil bigla niyang naisip na hindi pa puwedeng magkita ang mag-ama niya. Hinintay niya muna na makaalis ito bago siya sumakay sa jeep. Mas pinili niyang magjeep dahil baka biglang bumalik si Rafa at sundan siya. Nang makarating siya sa lugar ay diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Kaagad niyang kinuha ang anak niya na hawak ng mommy niya. "Anong karapatan niyo na kunin ang anak ko ng walang permiso?" Galit na tanong ni Nathalie sa kanyang ina. "Anak, gusto ko lang naman makasama ang apo ko." Sagot naman ng mommy niya. "Nang hindi nagpapaalam sa akin? Para ano? Dahil gusto niyo na pumunta pa ako dito? Ano ba ta

