Chapter 13 : I'll Catch You

4037 Words

ALIYAH'S POV "Dahil tapos na ang exams, may bagong leksyon na naman tayong tatalakayin at alam ko na magugustuhan niyo talaga ang leksyon na ito," nakangiting sabi ng aming guro sa Literature. "Ako lang ba o ang ngiti ngayon ni Ma'am ay parang ngiti ni Pennywise?" rinig kong tanong ni Macy mula sa likod ko. Isang buwan na ang nakalipas at kakatapos lang ng first semester exams namin. Ah, sa wakas ay magagawa ko na ang lahat ng mga gusto kong gawin dahil ang lahat ng oras ko ay ginugol ko sa aking pag-aaral at hindi ko na nagawa ang mga gusto kong gawin. "What are we going to do, Ma'am?" rinig kong tanong ni Honey. "What we are going to do is..." Tumingin muna si Ma'am sa kanyang libro at maya-maya ay ibinalik na niya ang kanyang tingin sa amin. "Ma'am, huwag kang ngumiti ng ganiyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD