ALIYAH'S POV
"As the atoms go around the object, it is said in the article that—"
"Stop the presentation."
"Po?" Huminto ako at gulat akong lumingon sa aking guro na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
"I said stop the presentation," pag-uulit ni Ma'am bago humikab sa harapan ko.
Teka, tama ba ang narinig ko? Pinapahinto na ni Ma'am ang class presentation ko? Pero hindi pa ako tapos. Hindi ko pa nga naipaliwanag ang huling parte ng report ko!
Taimtim akong tiningnan ni Ma'am habang ako naman ay kabadong-kabado na rito sa harapan. Saan ba ako nagkamali? Sa pagkakaalam ko ay sinuri ko ng paulit-ulit itong report ko. So, what is wrong? Why did she stop me in the middle of my presentation?
"But Ma'am, I am not finished yet—"
"No need to explain it further. Your report did not reach my standards, Ms. Alison," seryosong sabi ng aking guro at kinagat ko ang aking mga labi dahil sa sobrang kaba. Saan ba ako nagkulang?
"I'm giving you a 'F', Miss Alison. You have failed this report. You were just explaining your report in a basic way and you were also lacking in some factors that's why you failed to meet my standards," walang gana na sabi ni Ma'am at umawang ang bibig ko.
She's kidding, right? Buong buhay ko ay nag-aral ako ng mabuti upang hindi bumagsak sa mga klase ko. Ginawa ko na ang lahat tapos ngayon ay bibigyan ako ni Ma'am ng isang bagsak na marka dahil hindi niya nagustuhan ang report ko? Bakit diretso niya ako binagsak? Hindi ba niya nakita ang lahat ng pagsisikap ko?
Bago pa muling magsalita si Ma'am ay lumabas na ako ng silid. Hindi ko na kayang manatili pa roon sa loob. The atmosphere inside the classroom is suffocating me to death. I can't breathe properly.
Bakit ba nangyari sa'kin ito? I spent my entire time on studying just to get excellent grades and avoid the risks of failing. Pero bakit gano'n? Bakit bumagsak pa rin ako? Kulang pa ba ang mga ginawa ko? Are all my efforts still not enough?
Tumakbo ako paakyat ng hagdan. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante dahil ang gusto ko lang ay ang lumayo. Masyadong marami ang nangyari ngayon at gusto kong makapag-isip, gusto ko ng katahimikan—gusto kong lumayo muna sa lahat!
Pinunasan ko ang aking mga luha na hanggang ngayon ay bumabagsak pa rin mula sa mga mata ko. Para sa'kin ay importante ang mga marka ko. Para silang mga kayamanan na kailangan ko talagang ingatan ng husto dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ko. Papagalitan talaga ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila ang tungkol sa aking bagsak na marka.
Binuksan ko ang pinto ng rooftop at lumabas na ako. Padabog ko itong sinarado at gumawa ito ng malakas na tunog ngunit wala akong pakialam dahil galit ako ngayon sa sarili ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pinto ng rooftop saka niyakap ang aking mga tuhod. Tahimik akong umiyak at hiyaan ko lang ang sarili ko hanggang sa gumaan na ang pakiramdam ko ngunit kahit umiyak na ako ay mabigat pa rin ang puso ko. Hindi ko pa rin kasi matanggap na bumagsak ako ngayon sa class presentation ko.
"Argh, curse that teacher for giving me a low grade," huminga ako ng malalim, "They are really going to kill me—"
"Sino naman ang papatay sa'yo—"
"Oh my god!" gulat akong tumayo nang may nagsalita mula sa itaas. What in the—did God just talk to me?!
"Miss, nandito ako sa itaas. Wala ako sa langit."
Umayos ako ng tumayo bago tumingin sa itaas ng pinto. Nandoon nga siya, nakatayo sa sementadong parte ng pinto ng rooftop. Nasa mga bulsa ng kaniyang pantalon ang kaniyang mga kamay. Matangkad siya at medyo payat. Mayroon siyang kulay kayumanggi na balat. Makapal at magulo ang kaniyang itim na buhok. Makapal din ang kaniyang mga kilay at singkit ang kaniyang mga mata. Matangos ang kaniyang ilong at mayroon siyang isang pares ng mapupulang labi.
May isang puting tuwalya ang nakasabit sa kaniyang leeg at napansin ko na nakasuot siya ng uniporme na para sa mga senior high school student na kagaya ko. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang nakatingin siya sa akin.
"What are you doing there?!" gulat kong tanong sa lalaki.
"Ano sa tingin mo?" tanong niya habang nakataas ang kaniyang isang kilay. Oh, he has an attitude.
Inis kong pinaikot ang aking mga mata. "Are you nuts? Magtatanong ba ako kung alam ko?"
"Are you nuts? Tingin mo may pakialam ako?" panggagaya niya sa'kin.
"Excuse me? Ikaw ang nagtanong sa'kin," sabi ko habang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"May common sense ka naman diba? Obvious naman siguro kung ano ang ginagawa ko rito." Ngumisi siya sa'kin. Oh my god. He did not just mimic me and made me look like an idiot. Sira na nga ang araw ko pero—Argh! Ginagalit talaga ako ng lalaking ito. Sana pala hindi ko na lang siya pinansin kanina nang tinawag niya ako.
"You!"—inis ko siyang tinuro—"Sira na nga ang araw ko, sinira mo pa ito lalo!" Tumulo ulit ang mga luha ko. Darn! Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko.
"Bla bla bla…share mo lang?" Ngumisi lang ang lalaki sa akin.
"Argh! Wala ka na bang ibang magawa kundi ang gayahin ako at pagmukhain akong tanga?" Padabog kong pinunasan ang aking mga luha. Nakakainis na siya!
"Well, pinapagaan ko lang naman ang paligid dito," aniya at nalaglag ang panga ko dahil sa kaniyang sinabi.
"Ano'ng sabi mo? Pinapagaan mo ang paligid? For your information, you just made it worse." Pinagtagpo ko ang aking mga braso.
"Kung gano'n, wala akong pake. Hindi naman ako ang may mabigat na dinaramdam dito at lalong hindi ako ang problemado rito sa ating dalawa." Nagkibit-balikat siya. Sino ba ang lalaki na'to? Bakit ba ang gulo niyang kausap?
"Besides, masyado kang problematic. Hindi ka pa papatayin ng mga magulang mo dahil sa isang bagsak na marka," dagdag ng lalaki. Teka? Paano niya nalaman ang tungkol sa—
"Narinig kita kanina, kung sakaling nagtataka ka. Isa pa, hindi mo ba ako naaalala ha?" Tumagilid ng konti ang kanyang ulo at nagtataka siyang tumingin sa akin. Sasagot na sana ako nang bigla siyang tumalon at bumaba siya sa harapan ko. Who is he? Is he Spiderman?!
"Bakit? Dapat ba kitang maalala?" tanong ko sa kaniya.
"Tsk...tsk. Ang talino mo pero ang dali mong makalimot," mahinang sabi niya bago tumawa. Ano naman ang nakakatawa roon?
Naglakad siya papalapit sa akin at nagsimula akong magulilat dahil sa hindi malaman na dahilan. Patuloy lang sa paglapit sa'kin ang lalaki at ako naman ay umatras lang nang umatras hanggang sa bumangga ang likod ko sa pader ng rooftop. Patay.
"Seryoso, hindi mo ba talaga ako kilala matapos kong sabihin ang pangalan ko sa harapan ng mga klase natin? Hmmm?" Nilagay ng lalaki ang kaniyang kamay sa pader at lalo pa siyang lumapit sa'kin. Now, I am trapped inside his arms and his eyes are staring at me intently. Diyos ko, tulong!
Hinalungkat ko ang aking isipan dahil baka maaalala ko siya bago pa niya ako ma-r**e rito sa rooftop, delikado na. Sino nga ba siya at bakit kilala niya ako? Stalker ko ba siya?
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang mas inilapit pa niya sa'kin ang kaniyang mukha. Ilang sentimetro na lang ang pagitan sa aming dalawa at nararamdaman ko na ang kanyang mainit na hininga kaya tumayo ang mga balahibo ko dahil dito.
"W-What are you doing?" bulong ko habang nanginginig dahil sa takot. Wala naman siyang gagawin na masama sa'kin diba?
"What am I doing?" ngumisi lang siya sa'kin, "I'm testing you if you can remember me."
"Look, Jerk. Pwede ba? Lumayo ka nga." Tinulak ko siya ngunit hindi man lang siya natinag sa kaniyang kinatatayuan.
"Ayoko nga. Tayong dalawa lang ang nandito kaya bakit hindi natin samahan ang isa't isa?" bulong niya at lalo pa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa'kin hanggang sa konti na lang ang natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa kaya hindi ko na napigilan ang pumikit. Heavens, help!
Kailangan ko pang makatapos ng pag-aaral! Kailangan ko pang makahanap ng magandang trabaho para matulungan ang pamilya ko—
"Umiiyak ka na naman," biglang sabi niya na siyang ikinatigil ko.
"Please, spare me. Kailangan ko pang makatapos ng pag-aaral! Please..." Pumikit na lang ako dahil sa takot.
"Pffft—you're cute," tumawa siya ng mahina, "akala mo may gagawin akong masama sa'yo? Nagbibiro lang ako. Inaasar lang kita."
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at naabutan ko siyang nakangiti sa akin. Lumunok ako nang nakita ko kung gaano ka lapit ang mukha namin sa isa't-isa. Mabilis akong umiwas ako ng tingin dahil ayokong tumingin sa mga mata ng lalaking nasa harapan ko ngayon. His eyes are so mesmerizing, I think I am going to melt.
"Huwag ka na ng umiyak. Para kang bata." Lumayo siya sa'kin at kinuha ko ang pagkakataon na ito na kumilos.
"I need to go—"
Ngunit huminto ako nang pinunasan ng lalaking nasa harapan ko ang aking mga mata at narinig ko ang nagwawalang mga tambol na nanggagaling sa loob ng dibdib ko. H-Huh?
Marahan niyang pinunasan ang aking mga pisngi na basang-basa dahil sa aking mga luha. Sino ba siya? He is just a stranger so why does he care so much?
"Huwag ka ng umiyak, live a little. Hindi ka pa babagsak, trust me." Ngumiti siya at sa pangalawang pagkakataon ay bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ano'ng nangyayari sa'kin? Nagkakasakit na ba ako sa puso?
"See you around the campus, Aliyah." Kumaway siya sa'kin at naglakad na siya paalis, iniwan ako rito na nag-iisa at nawawala.
*****
"So, you mean to say that a tall and thin brown young boy with a messy long dark hair just came to rescue you and he wiped your tears like you were some damsel in distress?" gulat na tanong ng kaibigan ko at umawang ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi.
"Whoa! Macy, that's a bit exaggerating pero masasabi ko na ganiyan nga ang nangyari kanina."
"I can't blame you. Mahalaga para sa'yo ang mga grades mo," sabi ni Warren at kinain na niya ang kaniyang spaghetti.
"Yeah, It's pretty devastating. Ah, ewan ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." Bumuntong hinga ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Kumakain ako ngayon dito sa cafeteria at sinabi ko ang nangyari kanina sa rooftop kina Warren at Macy—my best friends. Unang natapos si Macy at bigla niya akong tiningnan nang may kakaibang ekspresyon sa kaniyang mukha kaya nagtaka ako.
"What? Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ko kay Macy at pati si Warren ay huminto rin sa pagkain para tingnan si Macy. Ano na naman kaya ang nasa isip ni Macy?
"Tingin ko ay alam ko na kung sino ang knight and shining armor mo." Ngumisi si Macy.
Tumikhim si Warren kaya nilingon ko siya at nakita ko na kagaya ni Macy ay nakangisi rin siya. Seryoso? Sila ay may alam kung sino ang lalaking iyon tapos ako wala? Oh, come on.
"Tingin ko ay alam ko na rin kung sino ang savior mo," sabi ni Warren na kakatapos lang kumain.
"Weh? Di nga." Hindi makapaniwala si Macy.
"Ah, hindi ako sigurado sa pangalan niya pero sigurado ako kung sino," sagot ni Warren saka siya tumawa.
"Aba! Walang hiya ka, Warren. Ang ganda mong kausap." Pinaikot ni Macy ang kanyang mga mata.
"Guys, pwede ba? Sabihin niyo na sa'kin kasi naguguluhan na talaga ako kung sino ang taong iyon," naiinis kong sabi sa kanila.
"Hindi ko pa pwedeng sabihin sa ngayon. Di bale, kapag sigurado na ako kung siya nga ang lalaking nakita mo sa rooftop kanina ay doon ko na sasabihin sa'yo ang sagot ko," nakangising sabi ni Warren sa'kin.
"At kailan naman mangyayari iyon? Kapag puti na ang lahat ng buhok mo sa katawan?" Sumandal si Macy sa kaniyang upuan.
"Ay, Macy naman." Napakamot si Warren sa kaniyang batok.
"Whatever. Anyway, Aliyah, let me paint you a scenario—"
"At kelan naman matatapos ang painting na iyan? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka magaling sa arts, Macy. Straight line mo nga na ginagamitan mo ng ruler ay tagilid pa rin," putol ni Warren sa sinabi ni Macy.
"Pwede ba, Warren? Tumahimik ka muna! Nagsasalita ako, bastos ka," sagot ni Macy. Ah, nagsisimula naman ang dalawa.
"Guys, pwede ba? Tigilan niyo na nga iyan. Mamaya na kayo mag-away kapag sinabi niyo na sa'kin kung sino siya." Pigil ko sa kanilang dalawa.
"Bakit big deal ito para sa'yo, Aliyah?" tanong ni Macy. Patay, nagdududa na si Macy.
"Oo nga, Aliyah," nakangising sabi ni Warren.
"A-Ah, eh kasi—"
"Kasi ano?" sabay nilang tanong sa'kin.
Bwisit. Argh, ang hirap talaga kapag may mga kaibigan ka na kagaya ni Boy Abunda. Hindi talaga nila ako titigilan hangga't hindi ko sinasagot ang mga tanong nila.
"Kasi—"
"Warren. Tol, pinapatawag ka ni Coach Larson."
Kumunot ang noo ko nang biglang may sumingit sa usapan naming tatlo. Bastos ba siya? Hindi ba niya alam na bastos kapag sisingit sa usapan ng iba? Wala siyang good manners and right conduct ah. Paano ko nalaman na 'He' siya? Well, his voice says it all, duh!
"Uy! Kamusta? Bakit ngayon ka lang—teka, umabsent ka?! Kulang ang bakasyon? Ganon?" Tumawa si Macy habang nakatingin sa lalaki.
"Tinatamad akong pumasok," walang gana na sabi ng may-ari ng boses. Teka, bakit ang pamilyar ng boses niya? Saan ko nga ba narinig ang boses na ito?
"Kumain ka na ba?" tanong ni Macy.
"Oo. Kakatapos ko lang," sagot ng lalaki.
"Bakit ako pinapatawag ni Coach Larson?" tanong ni Warren sa lalaki.
"Hindi ko rin alam," sagot ng boses na nasa likod ko. Hala, bakit pamilyar ng boses niya?
"Uy, Kobe! Speaking of Coach Larson. Kailan ang laro niyo?" tanong ni Macy.
Nakatingin lang ako kina Macy at Warren habang kinakausap nilang dalawa ang lalaki na nasa likod ko. Ano ba naman, ganoon na ba ako ka-liit para hindi nila ako mapansin?
Hindi ko na napigilan ang aking kuryusidad at lumingon ako sa aking likod saka tumingala upang tingnan kung sino ang kausap ng mga kaibigan ko. Nang nakita ko kung sino ang kausap nina Macy at Warren ay tumigil ang mundo ko. Napansin niya ako na nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa'kin habang ako naman ay hindi na makagalaw sa aking upuan dahil sa gulat. Bumilis ang t***k ng puso ko at nahulog ang aking panga nang nakita ko kung sino ito. Hindi naman ito isang panaginip diba? DIBA?!
"Ikaw pala iyan, Aliyah. Nice to see you again." Ngumisi siya sa'kin.
Anak ng tinapa! Ano'ng ginagawa niya rito? Paano niya nakilala sina Warren at Macy?
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Magaan na ba? Pasensiya kung hindi kita napansin." Mahina siyang tumawa at tumigas ang bibig ko habang naghahanap ng mga salita na sasabihin sa kaniya. Inaasar ba ako ng tadhana ngayon?
"Magkakilala kayo?" sabay na tanong nina Warren at Macy.
Patay na. Susugurin na naman nila ako ng mga tanong mamaya at siguradong bukas ay tatanungin na naman ulit nila ako.
"Oo—"
"Hindi!" Nabigla silang tatlo dahil sa biglang pagsigaw ko. Aliyah, bakit ka ba sumisigaw?!
"Ano ba talaga?! Kalurkey naman kayong dalawa," naguguluhan na sabi ni Macy.
Lumingon sa'kin si Macy na ngayon ay may ngiting tagumpay sa kaniyang mga labi. Oh no, mukhang may alam na si Macy sa mga nangyayari.
"I see what's going on now," ani Macy at naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko.
"Talaga? Nakita mo? Naasan?" sarkastikong tanong ni Warren habang tumitingin sa buong cafeteria at dahil dito ay binatukan siya ni Macy sa ulo gamit ang kaniyang water bottle.
"Bwisit, huwag kang bobo." Huling binatukan ni Macy ang braso ni Warren.
Tumabi sa'kin ang lalaki at tumawa siya habang nakatingin kina Warren at Macy. Feeling close din ang isang ito.
"Tama na nga iyan, Mace." Pigil ng lalaki kay Macy.
"Huwag mo akong pigilan, Kobe. Kanina pa itong chaka na'to! Nakakaimbyerna na!" Matalim na tiningnan ni Macy si Warren.
Kobe pala ang pangalan niya.
"Tsk." Pinaikot ni Warren ang kanyang mga mata.
"Ang bayolente mo." Umiling si Kobe.
"Oo nga pala, ikaw ba ang sumagip dito sa tuta namin na umiiyak kanina? Maraming salamat ha." Nang-aasar na ngumiti sa'kin si Macy. Ako? Tuta?!
"Syempre naman. Kaklase natin siya kaya tutulungan ko talaga siya," rinig kong sabi ni Kobe at natigilan ako. Classmate? Teka, bakit hindi ko siya napansin sa classroom? Bakit ngayon ko lang siya nakita?
"Teka nga!" pigil ko sa usapan nila. Tumingin naman silang tatlo sa'kin at humarap ako kay Kobe saka siya tinanong.
"Magkaklase tayo? Bakit ngayon lang kita nakita?!" gulat kong tanong kay Kobe at nakita ko kung paano hinampas nina Macy at Warren ang lamesa habang tumatawa.
"Juice colored! Seryoso? Ngayon mo lang nalaman na kaklase natin si Kobe? Limang linggo na kaya ang nakalipas nang nag-umpisa ang pasukan. Grabe ka sis,"sabi ni Macy at uminom siya ng tubig.
"Aliyah naman. Tumingin ka rin kasi sa paligid mo. Huwag ka puro basa ng libro," sabi ni Warren.
"Oy, hindi natin masisisi si Aliyah kung hindi niya nakilala si Kobe kasi ngayon ko lang din naalala na palagi rin pa lang lumiliban ng klase si Kobe kahit kakasimula pa lang ng senior year natin," matabang na sabi ni Macy at tinaasan niya ng isang kilay si Kobe.
Nagkibit-balikat lang si Kobe bago ngumiti. "Gaya ng sinabi ko kanina, nakakatamad pumasok."
Dito ako nainis. Wow, ang chill lang ng buhay niya tapos ako rito ay halos mabaliw na dahil nakakuha ako ng isang bagsak na marka. Sana all!
Sayang lang ang pera na binayad ng kaniyang mga magulang para sa kaniyang tuitions. I mean, hindi siya papasok dahil walang matinong klase? What kind of reason is that? It's pure bull!
"You're skipping classes just because there are no serious discussions going on? Kung ganon, ano ang tawag sa nangyari kanina sa klase natin sa Research? Hindi ba matinong klase iyon?" inis kong tanong at binagsak ko ang aking mga kamay sa lamesa. He's a jerk for not realizing how important education is!
"Whoa! Easy there, Aliyah," rinig kong sabi ni Warren.
"Ayaw mong pumasok? Kung gayon ay tumigil ka na sa pag-aaral dahil sinasayang mo lang ang pera ng mga magulang mo na pinaghirapan nilang kunin araw-araw. Masuwerte ka nga dahil nakapag-aral ka. Ang ibang mga bata ngayon ay tumigil na sa pag-aaral dahil wala na silang pera na pambayad sa paaralan." Inis kong kinuhang mga gamit ko.
"Look, Aliyah. Huwag kang magsalita riyan na parang alam mo ang lahat ng tungkol sa'kin kung ang totoo naman ay hindi." Malamig at seryoso akong tiningnan ni Kobe.
"Well, at least I am stating something with sense here kasi ako? Pinapahalagahan ko ang mga ginawa ng mga magulang ko para sa kinabukasan ko." Inayos ko ang aking bag at malamig ko rin siyang tiningnan.
"Aliyah, you may be the top student in this school pero isa ka ring tao na nagkakamali kaya huwag kang magsalita riyan na parang kung sinong perpeko," sagot ni Kobe at tumayo na siya saka naglakad paalis, leaving me agape with what he had just said.
Hindi ko alam pero tila binaril ako sa puso ngayon dahil sa sinabi ni Kobe sa'kin. May sinabi si Kobe sa'kin na naging dahilan upang umatras ang dila ko at hindi makapagsalita. Wala pang nakakagawa nito sa'kin kung hindi siya.
"Siya nga pala," lumingon si Kobe at tumingin siya sa'kin ng ilang sandali at pagkatapos ay inilipat niya ang kaniyang tingin kay Warren, "sa field ka raw kakausapin ni Coach Larson." at tuluyan na siyang umalis.
*****
Nagsulat ako sa aking notebook habang walang gana na nakikinig sa guro namin sa Philosophy. Inikot ko na lang ang mga mata ko dahil sa pagkairita.
"Aliyah, kalma ka lang. Mababali na ang ballpen dahil sa higpit ng pagkakahawak mo. Naubos pa naman ang mga extra ko dahil sa kakapahiram ko sa'yo," sabi ni Macy mula sa likod ko.
"Nakakainis lang kasi. Can't this subject be more interesting?!" sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
"This subject is already interesting," humikab si Macy, "interesting to sleep with."
May punto si Macy. Bukod sa mahina ang boses ng guro namin at napaka-boring pa ng subject niya ay nakakaantok rin ito. Walang pakialam ang guro namin kung matutulog kami sa klase niya kaso hindi ko magawang matulog dahil baka sa class record at sa mga grades niya ako papatayin at ayokong mangyari iyon. Nilingon ko ang upuan ni Warren at nakita ko na bakante pa rin ito. Mukhang hindi pa tapos ang pag-uusap nila ng kaniyang coach kasama si Kobe.
Speaking of that son of a jerk, Kobe. Naalala ko ang usapan namin kanina sa cafeteria bago siya umalis kasama si Warren. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ako sumagot sa sinabi ni Kobe sa akin. Kung may magbabato ng salita sa akin ay nakakasagot naman ako ngunit pagdating kay Kobe ay hindi kaagad ako makasagot sa kanya. Tila nagkaroon ng sariling utak ang dila ko dahil bigla na lang itong umatras at wala na tuloy ni isang salita ang lumabas mula sa bibig ko.
"Miss Aliyah?"
Naputol ang pag-iisip ko nang tinawag ako ng aking guro. Tumingin ako kay Sir at nakita ko na may kasama siyang isang estudyante na senior high student din kagaya ko. Ah, kilala ko siya at alam ko kung ano ang kailangan niya.
"Hinahanap ka ni Ma'am. Hinihintay ka niya sa club room." Pagkatapos sabihin iyon ng estudyante ay lumabas na siya ng silid. Bumuntong hinga ako at tumayo na mula sa aking upuan.
"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni Macy.
"Sa Filipino Club Room," diretsong sagot ko.
Lumabas na ako ng silid at naglakad na patungo sa Filipino Club Room. Mabuti na lang at tinawag ako ni Ma'am. Ayoko ng magtagal doon sa loob ng classroom. Ayoko munang makinig kay Sir ngayon. Nakakawala ng gana tapos baka mas lalo lang akong aantukin doon. Babawi nalang ako sa exams.
Lumiko ako sa daan na patungo sa kaliwa at bumungad sa akin ang pasilyo na katabi ang field. Mula rito sa puwesto ko ay nakita ko si Warren na seryosong kausap ang kaniyang coach sa isang sulok at nahagip naman ng mga mata ko si Kobe na nag-iinat—teka nga, bakit ko ba siya tinitingnan? Dapat ay magmadali na ako dahil baka hinahanap na ako ni Ma'am.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at dumiretso na sa club room. Pagkarating ko roon ay wala na si Ma'am ngunit may mga libro akong nakita sa lamesa niya at sa ibabaw ng mga libro ay isang yellow sticky note na nagsasabi na:
'Please deliver this to the Principal's Office, ASAP'
Kinuha ko ang mga libro at dumaing ako dahil sa bigat nito. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang mga braso ko dahil sa bigat ng mga libro na dala ko. Lumabas na ako ng club room at maingat akong naglakad sa pasilyo. Napalunok ako nang naalala ko na sa Principal's Office nga pala ang punta ko. Pero ang layo ng Principal's Office mula rito! Argh.
Mamamatay na yata ako ng maaga nito. Diyos ko naman po—
"Watch out!"
Mabilis akong lumingon ngunit isang bagay ang tumama sa mukha ko na naging dahilan upang maihagis ko ang mga libro na dala ko at bumagsak ako sa sahig habang sapo ang aking mukha. Ano ba kasi ang tumama sa mukha ko?!
"Aray!" daing ko nang nakaramdam ako ng matinding sakit mula sa aking likod. Muling may tumama sa mukha ko at narinig kong may tumunog mula sa akin at napagtanto ko na buto pala iyon ng ilong ko. Ang sakit!
"s**t, Gilbert! Tulungan mo ang babae! Ikaw ang may sala!"
"Anong ako?! Ethan, Ikaw kaya itong hindi sinalo ang bola!"
Ah, so bola pala ang tumama sa mukha ko. Kaya pala ang sakit.
"Mukhang ang sakit ng pagkakatama mo, Ethan, sumigaw siya eh," rinig kong sabi ng isang boses na papalapit dito sa'kin.
Naramdaman kong may mainit na likido ang tumulo mula sa ilong ko kaya hinawakan ang ilong ko at nagulat ako nang may dugo ang kamay ko. Shoot! Nabali ang buto ng ilong ko?!
"Miss? Ayos ka lang—Aliyah?!"
Mula sa kamay ko ay lumipat ang tingin ko sa taong nakatayo ngayon sa gilid ko at kasama niya si Warren na nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Curse you Kobe. You just broke my nose."
THIRD PERSON'S POV
"Curse you Kobe. You just broke my nose." Matapos itong sabihin ni Aliyah ay siya ring pagkawala ng kaniyang malay.
"Well…fuck," mura ni Kobe sa kaniyang isip.
Nagsimulang dumating ang ibang mga kasama ni Kobe at nakita nilang lahat ang nangyari. Bumuntong hinga si Kobe at kinuha niya ang kaniyang panyo mula sa bulsa ng kaniyang shorts. Tinupi niya ito bago binigay kay Warren na ngayon ay nakaupo sa gilid ng walang malay na si Aliyah.
"Ren, punasan mo nga ang ilong niya. It's disgusting," sabi ni Kobe sa kaniyang kaibigan saka umiwas ng tingin. Kinuha ni Warren ang panyo mula kay Kobe at binigyan lang niya ng isang tingin ang kaniyang kaibigan bago pinunasan ang mga dugo na nasa ilong ni Aliyah.
"Kawawang bata. Natamaan pa ng bola. Tsk...tsk...tsk," sabi ni Warren sa kanyang sarili.
"Calisto! Ano'ng ginawa mo?!"
Lumingon si Kobe sa kaniyang likuran. "Coach!"
Napakamot na lang sa kaniyang batok si Kobe dahil hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Aksidente ang nangyari at ngayon ay kinakabahan na si Kobe dahil sa kung ano ang posibleng mangyari sa kaniya.
"How did this happen, huh? Answer me, Calisto!" bulyaw ni Coach Larson kay Kobe.
"Tsk, ang sakit sa tenga," sabi ni Kobe sa kanyang sarili.
"Coach Larson, it was an accident. Tumama ang bola sa babae kasi hindi ito nakuha ni Ethan," kalmadong paliwanag ni Kobe sa coach niya.
"Diba sabi ko sa inyo na mag-ingat kayo?! Where is our no casualty rule?!" galit na tanong ni Coach Larson sa kanyang mga estudyante.
"Coach Larson—"
"Shut up, Ethan!" Minasahe ni Coach Larson ang kaniyang sentido bago huminga ng malalim.
"Coach, I swear po na aksidente ang lahat," sabi ng isang kasama ni Kobe.
"Coach Larson, Dadalhin ko na po si Aliyah—este itong babae sa clinic," singit ni Warren.
Lumingon naman si Coach Larson kay Warren at tumango siya "Please, Warren. Kailangan ko pang pagsabihan itong mga pasaway na batang ito." Matalim na tiningnan ni Coach Larson si Kobe at ang kanyang mga kasama.
"Sige po Coach—"
"Warren!"
"Macy!" Nagulat si Warren nang nakita niya ang dalaga.
Tumakbo si Macy papunta kay Warren at pagkarating niya ay kaagad pinulot ni Macy ang isang libro na nasa sahig at buong lakas niya itong hinampas kay Warren na siyang ikinagulat ni Coach Larson at ng buong soccer team.
"Aray! Tangina!" daing ni Warren at tiningnan niya ng masama si Macy.
"Ano'ng ginawa mo kay Aliyah, huh?! Bakit wala siyang malay? Bakit nagkalat ang mga libro—bakit may lumalabas na red water sa ilong ni Aliyah?!" bulyaw ni Macy.
Sunod-sunod ang mga tanong ni Macy at halos kainin na ng dalaga ang kaniyang sariling dila dahil sa pagmamadali.
"Pwede ba hinaan mo iyang boses mo?! Hindi ako bingi, okay?! Hindi ako bingi!" sigaw ni Warren kay Macy.
"Anong hinaan ang boses ko?! Ikaw, bakit ka sumisigaw?!"
"Tangna, kasi sumisigaw ka rin—"
"The both of you shut up!"
Gulat na lumingon sina Macy at Warren kay Coach Larson na ngayon ay umuusok na ang mga tenga at ilong dahil sa galit. Napalunok ang dalawa habang ang mga kasamahan naman ni Kobe ay palihim na tumawa dahil sa nasaksihan nila. Umiling na lang si Kobe dahil sa kabaliwan ng mga kaibigan niya.
Huminga ng malalim si Coach Larson bago nagsalita. "Kayong dalawa, dalhin niyo ang kaibigan niyo sa clinic—no, idiretso niyo na siya sa ospital para magamot siya roon ng maayos."
"S-Sir? Ibig niyo po bang sabihin ay mamamatay na ang kaibigan namin?" naiiyak na tanong ni Macy kay Coach Larson at nabigla naman ang matandang guro dahil sa tanong ng dalaga. Pinulot ni Warren ang isang libro at binatukan niya si Macy.
"Aray ko, Warren! Bwisit ka! Bakit mo ba ako binatukan ha?!" iyak ni Macy.
"Bobo ka ba? Ang sabi ni Coach ay dalhin si Aliyah sa ospital para magamot ng maayos! Hindi pa siya mamamatay, Macy." Pasan ngayon ni Warren si Aliyah na tila isang bata na nagpapakarga sa kaniyang tatay.
"Akala ko talaga ay mamamatay na siya, fake news lang pala." Pinunasan ni Macy ang kaniyang mga mata.
"Tama na nga iyan. Ang drama mo, babae ka. Dalhin mo na lang ang mga libro para ihatid na iyan sa Principal's Office." Sinunod naman ni Macy ang sinabi ni Warren. Umalis na sina Warren at Macy nang biglang lumapit ang isang binata kay Coach Larson.
"Coach, sigurado ka ba na sa ospital sila dapat pumunta? Tingin ko kasi dapat doon nalang sa mental eh."
"Shut up, Tristan. Baka gusto mo na tanggalin kita sa team," malamig na sabi ni Coach Larson kay Tristan.
"Opo, Coach. Shut up na po ako."
"Everyone! You can go home now and take a rest," anunsyo ni Coach Larson bago tumingin kay Kobe na paalis na sana.
"Except for you, Calisto. Mag-uusap pa tayo tungkol sa ginawa mo," seryosong sabi ng matandang guro sa binata.
"Hay, ito na naman," bulong ni Kobe at wala na siyang nagawa kundi ang magpaiwan sa open field habang pinagmasdan ang kaniyang mga kasama na pauwi na.