Isang sinag ng araw ang nagpagising sa diwa ko. Tumayo ako sa kama at lumabas sa kwarto. Matapos ko sigurong mag-ayos ay uuwi na rin ako. Mukhang ang laki na ng abala ko kay Tiffany. Dumiretso ako sa living room at hinanap siya pero wala siya ro'n. Siguro tulog pa. Inikot ko ang buong living room nang mapansin ko ang mga picture frame na maayos na nakahilera sa cabinet na malapit sa sofa. Naglakad ako papalapit doon at tinignan ang mga 'to. Puro litrato niya ang nakadisplay, ang ganda niya sa picture lalo na sa personal. Tinignan ko pa ang iba niyang mga litrato nang may isang litrato ang nakakuha ng atensyon ko. Kinuha ko ito at tinitigan. Litrato ito ni Blake at ni Tiffany. Ang saya-saya nila sa picture. Katulad ito ng litrato na nakita ko sa ilalim ng kama ni Blake. Nakaramdam ako

