Jacquiline Villanueva
Isang linggo na ang lumipas simula nang huminto ako sa pag-aaral. Hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari pero wala rin naman akong magagawa. Wala akong sapat na lakas para maipaglaban ang bagay na ipinagkait nila sa akin. ‘Di hamak na isa lang akong mahirap at dukha. Anong laban ko sa taong may limpak-limpak na pera na gusto akong hilain pababa kahit na lugmok na lugmok na ako?
Naisip ko rin siguro tama muna na tumigil ako sa pag-aaral para makapagtrabaho at makaipon nang matustusan ko ang pangangailangan namin ni Lisa.
Kasalukuyan akong naghahanap ngayon ng mapapasukan na trabaho nguni’t walang tumatanggap sa akin. Ang iba naman ay sinasabing tatawagan na lang ako.
Sinubukan ko ulit mag-apply sa isang fast food chain pero sabi nila ay sa susunod na buwan pa sila mag oopen ng hiring. Eh kailangan ko na ng pera kaya hindi na rin ako umasa.
Limang buwan na rin akong hindi nakakabayad sa upa sa apartment kaya kailangan ko nang agarang trabaho. Baka mapalayas na kami ni Aling Sonya.
Naglalakad ako paliko ng kalye namin nang makita ko si Petra, ang anak ni Aling Sima.
“Uy Jackie.” Tawag niya sa palayaw ko
“Oy Petra. Saan ka galing? Mukhang busy na busy ka sa paghahanap ng trabaho ah. Ang ganda ng ooutfit natin.” Pabirong bati ko.
“Nako! Nambola ka pa! Ano ka ba ako lang 'to!” sambit niya sabay tawa.
“Ay matanong nga kita te, ‘diba naghahanap ka ng trabaho?"
“Oo be baka may alam ka na pwede kong pasukan. Tulungan mo naman akong makahanap oh. Kailangan na kailangan ko talaga ng pera.” Wika ko.
“Ay teh! Pak na pak! Tamang tama ka!” ani Petra sabay hampas sa braso ko. “Nag-apply ako sa isang kumpanya sa Pasay kaso ang baba ng sahod kaya hindi ko tinanggap. Kaibigan ko yung HR head do’n. Kaklase ko no’ng college. Tinanong niya ako kung may kilala akong 20-25 years old na girl na naghahanap ng work na medyo maganda tapos naisip kita. Taray pak ang ganda mo ghorl! Binigyan niya ako ng calling card teka,” binuksan niya ang bag niya at kinuha ito. “Eto oh puntahan mo yan. Give it a try alam kong kailangan mo ng trabaho.” Pag papaliwanag niya sabay abot ng calling card.
“Ano kayang position ang hanap nila?” tanong ko at binasa ang calling card.
Holt’s Company.
May contact number na din na pwede kong tawagan.
“Personal assistant ata. Iyon ang pagkakarinig ko. Hindi ko na din naitanong dahil nagmamadali akong umuwi. Natatae na ako eh! Hahaha Pero ang alam ko malaki ang sahod d’yan. Sabi ng HR dahil sa mismong boss ka magtatrabaho.” Sambit niya sabay ngiti. Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya kaya bigla ko siyang niyakap.
“Wah! Petra! Maraming maraming salamat. Hulog ka ng langit!"
“Sa susunod mo na ako pasalamatan bakla pag natanggap kana. ‘O sige na uuwi na ako baka hinahanap na ako ng tatay kong gwapo." Sagot niya at naglakad pauwi.
“Bye Petra! Salamat ah." Sigaw ko atsaka kumaway.
Naglakad na rin ako pauwi at lihim na nabuhayan sa inalok ni Petra. Agad kong tinignan ang calling card na hawak-hawak ko at sinave ko agad ang number na nabasa ko rito.
Umutang ako ng load sa tindahan at agad akong tumawag sa company nila upang magpaschedule ng appointment for applicant. Sumagot naman sila at binigyan ako ng date kung kailan ako pupunta.
Pinapapunta nila ako sa sabado. Agad kong sinilip kung anong araw na ngayon at huwebes na pala.
Sana ito na ‘yon. Sana matanggap na ako sa trabaho para makabayad na rin ako sa mga taong pinagkakautangan ko lalong-lalo na ang renta ng apartment namin.
Malaki-laki raw ang sasahurin ko kung sakaling matanggap ako sabi ni Petra. Sana nga totoo ang mga pinagsasabi ng baklang ‘yon dahil kailangan na kailangan ko talaga ng pera.
Dumating ang sabado. Gumising ako ng maaga at agad kong inayos ang sarili ko para pumunta sa kumpanyang aapplayan ko.
“Good morning ate. Ang aga niyo naman po aalis.” Wika ni Lisa na kakagising lang. Bumangon siya sa higaan at agad niya itong inayos.
“Gising ka na pala. Kailangan na ni ate mag-apply ng work para magkaroon na si ate ng trabaho at mabili na natin mga favorite food mo.” Masayang tugon ko.
“Yehey! Good luck ate. Go! Go! Go!” sigaw niya.
Ngumiti naman ako at nilapitan siya.
“Halika nga dito,” niyakap ko siya, “Ate is lucky to have a little pretty cheerleader like you.” Sambit ko sabay kiliti sa kaniya.
Tawa naman siya ng tawa dahil sa ginawa ko.
“O siya tama na. Maligo kana. Iiwan muna kita kay Aling Sima ha. Doon ka muna habang wala pa ako. Huwag kang makulit do’n ha.” Paalala ko sa kaniya. Sumangayon naman siya sa sinabi ko.
Matapos kong mag-ayos ay hinatid ko si Lisa sa bahay ni Aling Sima. Mabait si Aling Sima. Gustong-gusto niya na laging nandoon si Lisa dahil napakabait na bata raw nito. Lagi raw siya nito tinutulungan sa gawaing bahay.
Nang maihatid ko si Lisa roon ay agad akong bumyahe papunta sa Pasay. Muntik pa akong maligaw dahil hindi ko alam ang daan patungo roon pero nakarating din ako agad. Mas maaga ako ng isang oras sa oras na pinag-usapan.
Tinignan ko ang napakataas na building sa harap ko at huminga ng malalim. Kaya ko ‘to. Kailangan ko ang trabahong ‘to.
Nakaramdam ako ng kaba pero nang maisip ko ang pagchecheer up sa akin ni Lisa kanina, lumakas ulit ang loob ko.
Pumasok ako sa building at hinatid ako ng guard sa HR Office. Naghintay ako ng mahigit isang oras bago ako dinala ng isang empleyado sa opisina ng boss niya. Nakita ko sa pintuan ang nakaukit na pangalan ng CEO.
CEO Mr. Tyrone Holt.
Iyan ang nabasa ko.
Huminga muna ng malalim para humakot ng lakas ng loob atsaka ako kumatok ng tatlong beses bago pumasok.
“Good Afternoon po.” Pagbati ko.
May kakaunting kaba pa rin akong nararamdaman pero pinipilit ko ang sarili kong maging kalmado. Paano nalang kung hindi ko masagot ng maayos ang interview. Mukhang mataas na position pa naman ang inaaplayan ko.
Matapos kong bumati ay isang office chair ang nakita kong nakatalikod mula sa akin.
“Are you the applicant?” Malamig na boses na sambit niya.
“Yes po.” Sagot ko.
Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita ulit. Hindi pa rin siya humaharap sa akin. Samantalang ako ay nanatili pa rin nakatayo.
“Ano ang pangalan mo?”
“Jacquiline Villanueva po.” Tugon ko.
Umikot ang kinauupuan niya at humarap sa akin. Natulala ako ng wala sa oras nang makita ko ang itsura niya. Kung titignan ay nasa mid 20 ang edad niya. Sobrang bata niya pa para maging CEO.
Hindi ko na rin ipagkakaila na may itsura siya. May mapupungay at malalalim siyang mga mata. Matangos na ilong. Lalaking-lalaki rin ang kurba ng katawan niya at mas lalong kahali-halina ang kaniyang itsura dahil sa suot niyang itim na business suit.
“How old are you?” natigil ako sa pag-iisip nang bigla siyang nagtanong.
“I’m 20 years old.” Sagot ko.
Tumayo siya sa kanyang office chair at lumapit sa akin. Ilang segundo niya akong tinitigan sa mukha. Napansin ko na kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
“Ahh.. Sir?”
“You may take your sit.” Sambit niya.
Mabilis niyang inalis ang mga titig sa akin at bumalik sa kinauupuan niya.
“So where do you find this job?”
“My friend just offered it to me. He said there’s available job position for 20-25 years old of age. May I know what position I am applying for? Even the HR Office didn’t say what it is.” Sagot ko.
Sinubukan ko kasing tanungin ang HR Office kanina kung anong position ba ang aaplayan ko pero hindi niya rin ito sinabi. Nagtataka nga ako kung bakit? Baka hindi legit ang kumpanyang ‘to pero kailangan ko pa rin subukan dahil kailangan ko ng pera.
Nag-intay ako ng sagot sa tanong ko pero napansin ko na nakatitig nanaman siya sa akin. Hindi lang sa akin kundi sa buong katawan ko. Para bang pinagmamasdan niya ang bawat parte nito.
Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.
Lumapit siya sa akin. Sobrang lapit dahilan para tumayo ako sa kinauupuan ko at umtras papalayo sa kaniya.
“Sir? A-ano pong ginagawa niyo?” utal-utal kong tanong.
Pakiramdam ko lalabas na sa ribcage ko ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya kaya pumikit nalang ako.
“If you wanted to be part of the job. I wanted you to offer me a special services and I'll do the extra pay.”
Minulat ko ang mata ko at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko na sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Pinilit ko pa rin magsalita.
“W-what do you mean, Sir?”
Umatras ulit ako nang magsimula ulit niyang ilapit ang sarili niya sa akin.
"Show me what you've got." Bulong niya sa kaliwang tainga ko.
Hindi ko alam pero biglang nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya.
"Do you want to see my resume first? I-is this what you m-mean?” tanong ko sabay abot ng papeles ko sa kaniya.
“What do you think are you doing?” Nakakunot noong tanong niya.
“Giving you my r-resume.” Sagot ko. Medyo lumayo siya ng kaunti sa akin nang sabihin ko ‘yon. Kinuha naman agad niya ito at nagulat ako nang ihagis niya ito kung saan.
“Stupid. You're not accessible for the job.” Inis na inis niyang sagot sa akin.
“Sir… I’m sorry but I didn’t understand what you mean.” Mungkahi ko.
Hindi ko naman talaga maintindihan ang mga sinasabi niya. Ano bang trabaho ang papasukan ko? Bakit hindi nalang niya sabihin nang maintindihan ko? Bakit lumalapit siya sa akin na parang may balak siyang halikan ako? Tapos sasabihin niya sa akin na I’m not accessible for the job? I’m stupid? Paano ako hindi magiging tanga kung wala naman talaga akong alam sa mga sinasabi niya?
“You’ll be still interested if I told the job you’re applying for?" Diretsong tanong niya sa akin.
“It depends.” Straightforward kong sagot.
Muli siyang lumapit sa akin. Umatras ako para makalayo sa kaniya hanggang sa wala na akong maatrasan pa.
“Sir? W-what are you doing, S-sir?” tanong ko.
“Gusto mong malaman kung anong trabaho ang papasukan mo ‘diba? Ms. Villanueva? “
I nodded as a response.
“Then I’ll show you.”
Hindi ako makagalaw dahil sobrang lapit niya sa akin. Nagsimula akong makaramdam muli ng kaba at panginginig. Direkta akong nakatingin sa kaniya nang mapansin kong papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit ako dahil sa takot.
Nagulat ako nang bigla niya akong sunggaban ng halik. Hindi ako makagalaw. Para akong naging bato sa kinatatayuan ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Hindi ako tumugon sa mga halik niya pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw. Para akong naging istatwa.
I felt his tongue enter my mouth and he started to play with my tongue. Amoy na amoy ko rin ang matapang niyang pabango. I also started to taste his saliva and it taste like paper mint.
Gusto kong itigil niya ang ginagawa niya pero hindi ako makapagsalita.
Agad nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hinawakan ang hinaharap ko. Huhubarin na sana niya ang damit ko pero nang maramdaman ko na ang mga kamay ko ay bigla ko siyang itinulak papalayo sa akin.
“Bastos ka!” bulyaw ko. Mabilis kong inayos ang damit ko at pinunasan ang bibig ko.
Patuloy pa rin ang panginginig ng katawan ko dahil sa ginawa niya. Ngayon hindi lang kaba ang nararamdaman kundi takot.
“Bastos?” ngumisi siya. “Oh come on Ms. Villanueva. Be honest. You also liked what I did.” Nang-aasar na sagot niya.
“Anong sinabi mo!?” sigaw ko.
Tumawa lang siya.
“That's your work Ms. Villanueva but I think you're not accessible for the Job. Simpleng tugon lang sa mga halik ko hindi mo magawa. You're not even know how to kiss.”
“Binastos mo ko tapos ikaw pa may ganang magsabi ng ganiyan!? How dare you!”
Akma ko na sana siyang sasampalin nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“Calm down. I will not hurt you so do not try to hurt me,” kalmadong sambit niya. “I love your attitude, Ms. Villanueva.” Dagdag niya pa. Ibinaba niya ang kamay ko ng maayos.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa galit. Huminga ako ng malalim. Pinulot ko ang resume ko sa sahig. Lalabas na sana ako ng opisina nang mag salita siya.
“We offering you a work to be his personal maid and personal assistant. But not totally like that.”
His? It means hindi siya ang magiging boss ko? Damn jerk!
Tinignan ko lang siya ng masama. Pipihitin ko na sana ang door knob ng pintuan nang muli siyang sumabat.
“He will give you an expensive pay. Own condo and bonuses. Just think twice to my offer. My door is always open for you Ms. Villanueva.”
Hindi ko na siya nilingon pa. Binuksan ko ang pinto at tuluyan ng lumabas sa opisina pero isang matandang lalaki na nakabusiness suit ang nakasalubong ko. Hindi ko na ito pinansin at nagmadali na akong naglakad papalayo sa lugar na 'yon.