Jacquiline Villanueva Maaga akong gumising para maglinis ng condo at para maghanda ng makakain. Humikab ako habang itinatali ang buhok ko. Inaantok pa ako. Inayos ko ang polo ni Blake na suot-suot ko. Starting last night, he ordered me to follow the contract matapos naming mapagkasunduan ‘yon. Ngayon lang ako nakakita ng maid na kailangan suot-suot ang damit ng amo. Hindi ko maintindihan ang utak niya kaya sumunod nalang ako. Hindi rin ako nakatulog ng maayos samantalang ang arogante kong boss ay ang sarap ng tulog. Sino ba naman ang makakatulog ng mahimbing kung kasama ko siya sa iisang kwarto? Oo, tama kayo. Inutusan niya akong matulog sa kwarto niya at hanggang sa matapos ang kontrata ko, do’n ako matutulog. Syempre do’n ako natulog sa couch pero kahit na. Nanatili akong mulat dahil

