Tiffany Alozo Suarez Kakauwi ko lang galing hospital. Maayos na rin daw ang lagay ko sabi ng doctor. Masaya ako dahil nakausap ko si Jackie kahapon, at nakahingi ng tawad. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ‘yun. Dumating rin sa silid ko si Blake nang gabing ‘yon. Umiiyak at wala sa sarili. Tinanong ko siya kung anong problema and he just answered me, “She’s tired. She’s tired of me, Tiff.” Hindi ko alam kung anong nangyari kaya hindi na ako nagsalita pa. Sumenyas lang sa’kin si Hans na hayaan ko nalang siya. Umakyat ako sa hagdanan papunta sa kwarto nina Mom nang marinig ko ang boses nila na nagsisigawan. Hindi ko alam kung bakit sila nag-aaway. Ngayon ko lang din sila narinig ng ganito. Sumulyap ako sa likod ng pintuan na nakaawang. “Anong gagawin mo Katarina? Napag-usap

