Jacquiline Villanueva Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko nanaman siya. Ang babaeng naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko—ang buhay namin ng kapatid ko. So siya pala ang nagpakana ng lahat ng ito? Hindi niya ba talaga ako titigilan? Hindi pa ba siya nasiyahan sa mga ginawa niya noon? Tinignan ko siya ng masama habang lumalapit siya sa kinaroroonan ko. “Nice to see you again, Jackie. Kamusta ka? Naenjoy mo ba ang bagong buhay na malayo sa buhay na kinagisnan mo noon?” Nakangising tanong niya. “Bakit mo ba ginagawa ‘to? Ano bang kasalanan ko sa’yo?” tanong ko. Pinandilitan niya ako ng mata . “Marami! Sobrang dami Jackie. Actually, kulang pa ‘yan sa lahat ng sakit na idinulot niyo sa’kin! Lalong-lalo na ng mga magulang mo!” Lumapit siya sa mukha at tumingin ng dir

