Jacquiline Villanueva Isang buwan na ang nakalipas matapos akong iwan ni Blake pero ngayon, kasalukuyan akong nasa harap ng condo niya. Ang tagal kong pinag-isipan ‘to. I will try to approach him. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang lahat. Gusto kong maliwanagan. Gusto ko siyang makausap. I'm crying. Umiiyak nanaman ako sa kinatatayuan ko. Nanginginig at kinakabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako handa sa kung anong mangyayari pag nakaharap ko siya at hindi ko din alam kung anong sasabihin ko. Halo-halong emosyon ang nananalaytay sa katawan ko. Naiinis ako, nagagalit, pero wala akong magawa! Napakahina ko. Nag-iisa lang ako! Wala akong kakampi. Lahat nalang ng taong akala ko mamahalin ako ay siya ding sisira ng tiwala at sasaktan ako. I hate you Blake! I hate you! Pinipili

