Jacquiline Villanueva Natigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Spade. Seryoso ba siya? Anong naisip niya at lumipat siya malapit sa condo ni Blake? Pag nalaman talaga ‘to ni Blake baka tanggalin na niya ako. Ahh! ‘Di pa sapat ang ipon ko. Pipihitin ko na sana ang door knob ng condo unit ni Blake nang bigla kong marining ang boses niya sa likuran ko. Teka? Bakit andito na siya? Akala ko ba… “What are you doing here? Bakit ka nasa labas?” Malalim na tinig na sambit niya. Agad ko siyang hinarap atsaka siya sinagot. “Blake? nakarating kana pala. Akala ko bukas ka pa uuwi?” Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay direkta siyang tumingin sa mga mata ko. Hinawakan ko ang kamay niya at akma siyang hihilain papasok sa condo dahil baka anumang oras ay lumabas si Spade sa condo niya.

