Jacquiline Villanueva Hinatid ako ni Hansley sa parking lot matapos kong makapag-ayos. Binigyan nila ako ng bagong damit at iba pang mga gamit na pwede kong dalhin sa condo na pagtratrabahuan ko. Binigyan din nila ako ng advance payment na limang libo. Boss ko na daw ang bahala sa sahod ko. Habang inaantay namin ang sasakyan na maghahatid sa akin ay tumingin ako kay Hansley at tinanong siya. “Pwede ko bang malaman kung anong ugali mayroon ang taong pagtratrabahuan ko?” Napatingin siya sa akin at hindi na nagdalawang isip pang sagutin ang tanong ko. “Your boss, he's my cousin. He ordered me to find someone na pwedeng magtrabaho sa kaniya. Gusto niya babae. Ilang babae na ata ang naipasok ko pero hindi rin sila tumagal dahil hindi niya nagustuhan ang mga ‘to. Masyado silang plain. W

