Jacquiline Villanueva Nakasandal ako sa balikat ni Blake. Kasalukuyan kaming nakahiga sa damuhan habang magkayakap. Sabay naming pinapanood ang kagandahan ng kalangitan. Everything is so wonderful. Ito na ata ang pinaka the best na araw na hinding-hindi ko malilimutan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagsosorry si Blake kanina sa’kin pero hindi ko nalang ‘yon pinansin at sinulit ang gabi na magkasama kaming dalawa. “Aki, my love.” Tawag niya sa pangalan ko. “Yes?” Madilim na ang paligid at tanging liwanag nalang ng buwan at ng apoy na ginawa niya kanina ang nagsisilbing ilaw naming dalawa. “Can I ask you?” Humarap ako sa kaniya atsaka ko siya niyakap ng mahigpit. “Sure. Nagtatanong ka na nga eh.” Pagbibiro ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Niyakap niya ako ng pabal

