Spade Griffin Lumabas ako ng sasakyan matapos kong itext ang number ni Jackie. Nakuha ko ito sa information doon sa baba ng condominium namin. Ilang araw ko na siyang kinukulit sa text pero ‘di siya nagrereply. Gusto ko lang naman makipagkaibigan, ano bang masama do’n? But honestly, matapos ‘yung gabi na mahalikan at mayakap ko siya, hindi na siya mawala-wala sa isip ko. Ito ang unang beses na maramdaman ko ‘to. Nababaliw na ba ako? Tama pa ba ‘tong nararamdaman ko? May parte sa akin na gusto ko siyang makasama at maging parte rin ng buhay niya pero malinaw sa’kin kung sino ang gusto at mahal niya, at ‘yun ay ang kapatid ko. Wala ako kahit katiting na pag-asa. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. I wanna see her but I can’t get close to her because of Blake. Masyado siyang protective

