Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Blake at tahimik na bumabyahe. Walang umiimik at nagsasalita sa aming dalawa kaya’y ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa bintana para aliwin ang sarili ko. Ilang minuto na ang lumipas nang umalis kami sa condo niya. “Saan tayo pupunta?” tanong ko. Agad naman siyang sumagot, “Holt's Company.” “Anong gagawin natin do’n?” Tumingin lang siya sa’kin. Tingin na wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Hindi ko na siya inantay magsalita. Nanahimik na lang ako, wala rin naman akong sasabihin. Makalipas ang ilang minutong byahe ay agad kaming bumaba sa sasakyan at pumasok sa kumpanya. “Good morning Sir." Pagbati ng mga empleyado. Ni isa sa kanila hindi niya pinansin, kahit sulyapan man lang. Ako nalang ang sumagot sa mga pagbati nila. Kahit kaila

